Chapter 22 - Talaga naman.
Tumingin sa akin sila JL pati si Jared. Err. Parang naiiyak ako ha. Pero ayoko. Tinatamad ako. Oooooooh. Okey. Para kunyari matapang. Dammit naman kasi eh. Basta, ayoko pa rin umiyak. BAKIT ako iiyak?
Kish: Tagay na lang! Sige, tagayan niyo ako.
Merced: Oh, tagay daw si Kish.
Binigyan nila ako ng isang baso. Isang baso talaga. Hindi yung tipong maliit na baso pang tagay. Basta, ang daming laman ng baso ko. Tindi magbigay ng tagay itong mga ito eh noh? Basta, alam nilang may onting problema ako. HAAAAY.Tindi.
Richard: Kish! Ano musta?
Kish: Eh? Ano ba naman ah? Edi hindi mabuti.
Sheymn. Nahihilo ako. Teka, may kumakausap sa akin. Uh? Sino ba ito? Ah. Oo, si Richard. Yung sira ulong pinalit ako sa isang bitzzz. Pero sa totoo lang wala na akong pakialam sa kanya eh. Eh may Marc na kasi ako. Kaso ang gagi rin nitong Marc na ito... Nanliligaw tapos hindi magtetext o tumawag man lang. Sheymn. Makikita ko pang may kasama. BABAE PA! Sheymn. Hilo na talaga ako.
*BGSHK*
Marc: Bakit niyo naman pinatagay ito ng sobra?
Awww. Sakit ng ulo ko. Grabe. Uh.Uh.
*SPLASSSSSSSSH*
YAK. YAK. YAK. YAK. YAK. I'm yak. Ang baho ng suka ko. What the? Ang tindi ko naman. Demyn. Nakainom pala ako noh? Ang dami naman nitong suka ko. Uhhhh.. Uhh... Uh.
*SPLAASSSSSH*
Richard: Kish. Kish.
Camz: Uy, kasi pano uuwi yan?
Marc: Ako na lang maguuwi dyan.
Sino nagsasalita? Si Marc yon ha. Siya na lang maguuwi sa akin? KAPAL din naman nito.
Kish: Ha? Ewan ko sayo. Ayoko sayo, nagsama ka pa ng babae mo.
JL: Kish, hindi naman pala yon girlfriend niya. Pinsan.
Kish: Pinsan. Malay mo, sinsabi niya lang yon.
Hindi ko namalayan. Nakatulog na ako ulit. Ewan ko. Ang sakit talaga ng ulo. Ang sarap pukpukin ng martilyo. Lagyan ng pako at kung anu-ano para umayos na. Syemn. Anong oras na ba?
Biglang tayo.
Marc: Okey ka na ba?
Jovz: Uy, kishiii. Ano na? Okey ka na?
Ang daming nagtatanong sa akin. Okey na ba ako? Okey na ba ako? Kay ko na ba umuwi? 10:49pm na. Grabe naman yon. Ang tagal ng oras, huh? Feel ko talaga madaling araw na kasi tulog ako ng tulog.
Game. Tatayo na ako. Uuwi na ako.
*BGSHK*
Hindi. Hindi ko pa kaya tumayo.
Merced: Hoy, alalayan niyo.
Chloe: Uy uy, ayan na nga. Tutumba na ulit.
Narinig ko, iuuwi na rin nila ako. Paano kaya?
Camz: Uy, Marc, i-uwi mo na yan.
Marc: Eto na nga. Kish, tara na.
Tinayo niya ako. Tapos inalalayan niya ako.
Marc: Kish, sorry...