Chapter 21 - Mga lalaki talaga.
Magtetext nga muna ako. Pang palipas ng init ng ulo. Argh talaga. Punta kaya ako ng gimik later? Oo. Sige. Sasama ako sa gimik nila later - kahit wala si Marc! Ano ko ba siya? Dapat hindi pa rin ako mag assume ng sobra sobra. Pano kung pustahan lang yon? Pano kung trip niya lang akong paasahin? PAANO na ako? Paano na? Wasak na nga puso ko mawawasak pa lalo.
Group Message ni Kish: 7pm sharp ha! Saan? Sama ako.
For sure hindi na matatanggap yan ni Marc kasi wala na siyang ka-group sa contacts ko. Tipong inassume ko na na nagiisa siya na Marc sa buhay ko. Waa. Dami kong alam ha. Kung anu-anong pinagsasabi ko. Pwede naman siguro mag assume, wag lang super expect. DBA? Basta. Pupunta ako ngayong gabi.
Wala sila Mama. Aalis, may pupuntahan din. Sabi nila baka hindi na naman sila umuwi ngayong gabi. Magaling. Labo ko. Nasiyahan pa ako noh?
12pm.
Excited na ako para mamaya.
*Tooooooooooooooot.Tooooooooot.*
Sino kaya nagtext na ito? Hmm.
Richard. Huh? Bakit kaya nagtetext pa siya?
Richard: Kish, sama ka mamaya sa gimik?
Aba. Kasali rin itong mokong na ito? Kailan pa? Sa paanong paraan? Haha. Ang sama ba ng dating? Pero bakit nga kasama rin siya?
Kish: Bakit?
Richard: Wala lang. Ano?
Kish: Bahala na.
Richard: Sige na. Sunduin kita?
Kish: Wag na. Sasama ako.
Richard: Sige, kita tayo ha?
Oo sige. Oo sige. Hindi na ako nagreply sa kanya kasi tinatamad ako pati LOYAL kaya ako! Dba nga nung huli nagalit sa akin si Marc kasi nagtext siya. Ayoko naman na pagawayan ulit namin yon. Mabait ako eh. Masunurin. Pero basta, wala na rin namang magic pag katext ko si Richard eh. Parang EHHHHHH. BUSY.
*Toooooooot.Toooooooot.*
Sana si Marc na! Sana. Sana. OPEN.
Camz: Kish, punta ka?
Demyn. Bakit naman hindi pa rin siya nagtetext? Anong problema ng lalaking yon? Sasama pa kaya ako? Oo, sasama na lang ako para talagang hindi ako mabadtrip. For sure wala yon don kasi syempre wala naman ako don. Peace. Hindi, hindi naman mahilig sa mga gano'n yon. Siguro. Ewan.
3:19pm.
Hindi nga pala ako nakareply kay Camz kanina. Ngayon na lang ako magreply.
Kish: Uh, oo. Ikaw?
*Tooooooot.Toooooooot.*
Camz: Yep. Punta na ako sa inyo ngayon ah. Sabay na lang tayo.
Kish: Okey.
Bakit kaya? Siguro hindi siya hahatid ni Tito at kailangan may kasabay siya. Ayos lang. Wala rin naman akong kasabay eh. Gimik lang naman dyan dyan lang. Tambay tapos inom inom ng onti. Haha. Tanggero't tanggera pa naman mga classmate ko. Hindi gaano pero pag may pagkakataon, GO!
*DINGDONG*
Andito na si Camz. Magdadamit na rin ako. Para ready na. Eh kasi naman 10 years ako bago magbihis. Nung kahapon ang bilis lang kasi ayoko paghintayin si Marc.
Kish: Alam mo ba? Hindi pa nagtetext si Marc sa akin.
Camz: May cellphone na siya?
Kish: Yep, nung mga wednesday pa nga niya ako una tinext eh.
Kinwento ko sa kanya tungkol sa kahapon at pangliligaw at sa paghuli sa amin nila mama kagabi. So, kinilig siya. Ewan ko ba dito. Pero ganoon naman yon eh. Kahit ako, ibang lovelife ang tinitilian ko. Astiging fan ako pag may mga ganyan pero yung akin hindi ako masyado kinikilig. Ewan ko, weirdo.
Camz: Tara na?
6:26pm na. Andito pa rin kami sa bahay. Dalawang sakayan pa yung pupuntahan namin. Hindi naman kilala yung pupuntahan namin, isa lang siyang place FOR US. Aba, akala mo amin talaga eh noh? Basta, yon na yon. Gimik na rin tawag namin don kasi ang ibig sabihin lang non, magkakasama kami. Excited na ako.
Habang nasa sasakyan kami. Naguusap lang kami tungkol sa lablyp niya. Ayoko pagusapan yung akin. Baka mabadtrip lang ako. Paguusapan pa eh parang wala lang din naman, dba? Pupunta kaya si Marc sa gimik ngayon? Feel ko hindi.
Andito na kami sa mini tambayan namin. Ang daming tao. May mga taga ibang section. Okey lang, mga kasali rin sa tagayan yang mga yan eh. Basta, ito ang gimik namin.
ARAAAAAAAAY! May pumalo sa akin. Huhulaan ko kung sino ito. MERCED. Sabay turn around.
Kish: Ano ba?! Sadista ka talaga.
Merced: Eto naman, tara dito.
Camz: Adik talaga yan si Merced! Nananakita lagi.
What's new?
....
......
........
7:57pm.
Ang bilis naman ng oras. Grabe. Anong klase yan! Hehe. Pero nagpaalam naman ako kay Mama na sa klasmeyt ko na lang ako matutulog. Damit ko? Meron na yon! Haha.
Kwentuhan na kami. Sabay mga tagay na. May light and strong drinks kami pero wala lang. BAHALA na kung tamaan!
Sige, kwentuhan pa. Ako naman nakikitawa lang sa mga jokes nila. Ang lakas ng tripping.
JL: Hala, gag*!
Jared: Hala talaga. Patay.
Chloe: Bakit?
Huh? Ang weirdo. anong tripping nila?
Merced: Bakit? Ano yon?
Grabeng reaksyon ang meron itong dalawang ito. Nakakaewan naman ha! Sige na nga, kahit tamad na tamad ako makiki usi na rin ako. Huling huli na ako eh. Hehe.
Lingooooooooon.
HAAAAAAAAAAAAAAAAAA?
Paksyem. Si Marc. May kasamang ibang girl? At kapal naman, dinala pa rito.