Yung panggitna: (bunso kasi ako)
close pero di open.. gets?

close in a way na magkasundo kami, nagaasaran. nagdadaganan. Sabay nanunuod ng movies and favorite tv shows namin. Magkasundo sa halos lahat. Pero di kami open pagdating sa problema. Well, lalaki kasi kaya di ganun kadali magopen up. Pero pag umaalis sya umiiyak ako. Parang nung naggraduate sya ng college, e sya yung kasama ko sa bahay namin sa Manila, sobrang nalungkot talaga ako. Tapos ngayon naman magdodoctor sya, nauna syang pumunta sa Manila ng 1 week kasi mag maaga pasukan nila, umiyak talaga ko ng sobra kasi nasanay akong palagi ko syang kasama sa lahat ng ginagawa ko
Yung panganay:di close pero open.. HAHA! Ang labo

kahit na lagi kaming nagaaway dati at palaging masama ang loob ko sakanya, sakanya ako nakakapag-open up. sobrang sweet kasi nung kuya kong yun, pag umiiyak ako tinatanong nya kung bakit ako umiiyak. Pero one time, sinabi kong "wala" tapos after nun pag umiiyak ako di na sya nagtanong ulit

Nagsisisi tuloy akong di ko sinabi sakanya. Wala na tuloy akong mapagsabihan. Nahihiya na din kasi akong mag-open up sakanya

Lalaki nga din pala to, pero mas may imik kesa dun sa kuya kong panggitna. Only girl ako. Hehe
PERO, kahit na di kami yung super duper close, LOVE KO PAREHO YUN.