Anak : Tays ! Kakains nas tayos!
Tatay : Hoy! Tigilan mo yang kalalagay mo ng 'S' sa mga sinasabi mo. Ano ba ang ulam ?
Anak : BANGU na may KAMATI, ARDINA na may IBUYA !
*****
Lulubog na ang barko...
PARI: San Pedro, San Jose...
MADRE: Sta. Fe, Sta. Lucia, Sta. Clara...
INTSIK: Lubok na balko! Tawak pa kayo pasahelo!
*****
LASING 1: Pare! halika uwi na tayo!
LASING 2: Sa'amin ako uuwi!
LASING 1: Daan ka sa amin, ipakita ko sa'yo ang pamilya ko't
malaking bahay namin.
LASING 2: Oh cge nga!
LASING 1: Ito'ng bahay namin, ang laki diba? 'lika sa loob,
(binuksan room #1) Sssshhh! iyan! anak kong bunso!
(binuksan room #2) Sssshhh! binata ko yan!
(binuksan room #3) Sssshhh! dalaga ko yan!
LASING 2: Oh! nga ang ganda!
LASING 1: 'Lika sa..(binuksan master bedroom)Ssshhh! iyan! asawa ko,
asawa ko iyan! ang ganda-ganda ano?
LASING 2: Oo nga!eh! sino 'yang gwapong katabi.
LSAING 1: Eh!sinopa! g*go! AKO yan! AKO!
*****
Alimasag:
Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"
*****
Daga't-Elepante Love Story:
Isang araw,may binulong ang Daga sa Elepante.Bigla na lang hinimatay ang Elepante.Ano ang ibinulong ng Daga?
DAGA:"BUNTIS AKO,IKAW ANG AMA!"
At dahil di makapaniwala ang Elepante,dinala nya ang Daga sa Duktor.Tuwang-tuwa ang Elepante at masayang binulong sa Daga ang resulta ng Ultrasound.Bigla ngayong hinimatay ang Daga.Ano ang ibinulong ng Elepante?
ELEPANTE:"AKO NGA ANG AMA!ELEPANTE ANG ANAK NATEN...KAMBAL!"
He he he patay kang daga ka!
ayun.. medyo corny.. lol