sorry at napaka boring ng napopost ko,, kasi po lately eh pagod lang ako dahil sa part time job ko, kaya medyo wala pumapasok sa isip ko..
---------------------------
"Hi,,,,"that was the only thing I could say.
He took a chair and placed it beside me. At may balak umupo sa tabi ko? So ngayon ang itsura ng pwesto namin ay: Kaharap ko si Janine, katabi niya si Alex. Sa harap ni Alex nakaupo si Mr. Stephen at sa tabi niya ay walang iba kung hindi ako..
"So Isabella, finally we met" and then he smiled at me, hay yan ang ayaw ko,, sentence na walang question. kaya ang ginawa ko lang ay nag smile back sakanya, yun lang yata ang masasagot ko. Since nag smile siya sakin nireplyan ko din sita ng isang smile. Aba mukhang mag ngingitian lang yata kami neto buong gabi?
"Hey guys, we'll order something, what do you want?"
"You know what I like Janine, how about you Stephen?"
Pagkasabi ni Stephen ng ioorder sakanya eh tumayo na yung dalawa. aww iniwan talaga ako dito sa lalake na to,, help.. Ano sasabihin ko?
"I think it's really cool, after a long time we first meet now. I mean, we never really talked about meeting together. But its quite long time we havent talked or I mean chat.. how are you? Gonna do anything special this vacation?"
"Oo nga eh, pero vacation, wala eh.." kita ko gulat yung mukha niya, napahinto ako magsalita pero tinuloy ko parin kahit na mukhang gulat siya. "Dapat kasi pupunta kami ng germany, pero hindi natuloy kasi busy sa work sina mom and dad."
"Wait I had no idea you could speak tagalog," sabay tawa siya. "I mean first time ko narinig na magtagalog ka, amazing!"
ang OA niya naman ha!
"oh really? hehe kasi well since sa chat lang naman us eh sanay ako mag type sa english kaya siguro ganun, hindi pa naman us nakakapag usap, as in voice to voice and face to face. And yah, pano ako makakapag study kung hindi ako marunong mag tagalog, I study at the same school as Janine, if you dont remember"
Tapos ayun tawa kami ng tawa. Hangang hanga siya sakin kasi marunong na daw ako mag english marunong pa mag german and galing ko daw sa tagalog, well pano ba naman hindi yun ang usap namin ni mom sa bahay pag wala si dad, and yun din ang ginagamit ko pag kausap ko maids namin sa house which is alot, dahil madalas ako nag bobonding kasama sila..
Sa wakas at dumating din yun dalawa, feeling ko eh napaka tagal nila nawala. usap-usap kami 4, tawanan ng tawanan, ako nakikitawa lang, kasi naman hindi ko alam sasabihin ko, baka mapahiya lang ako pag naglabas ako ng joke? I mean,, nandiyan si Stephen. mabuti kung si Janine and Alex Lang. Pero napansin ko lang ha? Parang feel close na ito si Stephen, hindi niya naman kami talaga kilala eh, well ok kami ni Janine kilala niya na, si Janine dati nameet niya na and ako sa chat kami nakakapag usap. Pero si Alex hindi niya naman kilala dati, pero parang, they get along together, and its a good thing isnt it? He seem to be a nice guy.
ang hindi ko maintindihan madalas niya ako tignan, nakakahiya na nga kaya tuwing titingin siya yuyuko nalang ako or kukunin inumin ko.
"Hey sama kayo, labas tayo, ikot ikot lang tayo sa labas?"
"Wag muna siguro? I'd rather finish my drinks while sitting," umiiral ang katamaran mo Isabella! "so maya maya na tayo lumabas ha?"
"Well if ayaw ninyo, kami ni Alex labas muna, maiwan muna namin kayo.."
"But..."
"Ok, we'll just meet you outside later"
magsasabi palang ako ng sige na nga sasama na, pero inunahan naman ako magsalita neto ni Stephen, I guess I have no choice, I'll be stuck with him for a while.
Oh wait, that didn't sound good, I do enjoy his company naman eh..
"I actually rather have some time alone with you, and syempre gusto din nila mag isa, so pabayaan muna natin sila"
tpos ayun nag usap usap kami, tanong siya ng tanong about me, feel ko eh gusto na yata niya malaman ang buong buhay ko?
And minsan nahahalata ko masyado siyang concentrate saakin, feel ko tuloy eh, para kaming dalawang bata, ako yung nag kekwento ng isang secreto at siya naman ay nakikinig ng mahusay. Parang napaka importante na ng pinag uusapan namin, but it really isnt. I mean wala namang masyadong napaka importante at interesting about sakin.
Gumaan ng konte pakiramdam ko sakanya, parang hindi ako masyado natatakot na baka wala lang kami mapag usapan o kaya naman mabore siya sa mga sinasabi ko. Masarap siya pagkwentohan, concentrate na concentrate siya masyado saakin. Nakatingin siya sakin, as in sa eyes ko talaga, pano kaya niya nagagawa yun? well ok siguro nga normal lang yun na tignan mo ang taong kausap mo sa mata, ano naman ang weird dun,
but ako hindi ko kaya,,
I can't look into his eyes,, nakakahiya..