hello! here's my problem....
the main problem is that frustrated ang nanay ko sa akin!
it all started by the time I was starting to enter college. ang gusto kasi ng nanay ko, mapasok ako sa UP (who doesn't?). ang kaso nga, I didn't pass the UPCAT. Then sinubok niyang ipasok ako sa waitlist ng UPLB, ang kaso, after a few days nalaman naming hindi ako nakapasok kasi hindi ko nilagay ang UPLB as second school choice. in the first place naman kasi, si nanay ang nag-fill out ng application form ko sa UPCAT, ang nilagay lang niya, UP Diliman kasi malapit lang iyon sa amin (caloocan), and nothing else, even UPLB kasi ayaw niyang mapalayo ako sa kanila (again, who doesn't). so noong nalaman puwedeng mag-waitlist sa UPLB, sugod agad siya kahit alam kong hindi puwede kasi nga hindi ako (i mean siya) naglagay ng second campus choice.
the day after we knew na hindi ako pasok sa UPLB, we went to PUP. i passed the entrance exams there and made it to the higher bracket. supposedly, the enrollment for those in the higher bracet is april 24. pumunta kami doon may 8, so naubusan na ako ng slot para sa BroadCom, ang natira na lang ay isang night shift slot in Journ. nagtalo pa nga kami ng nanay ko kasi i want to take that last slot, pero hindi siya pumapayag because of the fact na it's a night shift (6:00-9:00 PM). Pero in the end, pumayag siya.
hindi pa natapos diyan! marami siyang conditions like hindi ako magdu-dorm (meaning uwian ako), susunduin ako ng tatay ko after school, and the worst, i can't attend freshmen orientations and join organizations! sinubukan ko na siyang kausapin about that matter, pero ang palagi niyang sinasabi, "pagbutihin mo 'yang pag-aaral mo at makakuha ka ng 2.0 ar higher para makalipat ka ng UP." wow, talagang big deal sa kanya ang makapasok ako sa UP! but then i've already adjusted to the environment! tapos tuwing umuuwi kami ng tatay ko, palagi siyang nakasimangot sa akin! kahit ano talagang gawin ko, hindi ko talaga siya mapa-impress! magiging masaya lang siya kapag nakapasok ako sa UP! help! what shall i do?