As a HS student:
Nakakainis ka, alam mo un?? Dapat pala di ko nalang sinabi sayo, lumaki tuloy ulo mo! Ay, hindi, mali, MAS LALONG lumaki ang ulo mo! Hindi na ikaw yung lalaking nagustuhan ko! Dati ang bait bait mo. Ngayon....wala. Nawala na yung nakita kong pagiging mabait mo! Kakabreak nyu lang nung gf mo. Dahil dun, ako yung nilalapitan mo??!! Ano ako, panakip-butas??!! AYOKO NGA! Mag-isa ka! Ugggh!!!!! Nakakainis ka talaga! Nung lumayo ka sakin dati dahil jan sa EX mo, parang nawala na yung feelings ko! Ngayon naman, nung break na kayo, nalapit ka na ngayon?? Tas ang LAKI LAKI pa ng ulo mo! Ang lakas ng hangin na tagay mo, eh! Pwede ba, lumayo ka na? Para naman iba na ang magustuhan ko at hindi na ikaw, ha?? Pwede??
As a GS student:
Alam mo, isa ka pang nakakainis eh! Buti na lang at move on na ako sayo! Anu ngayon kung bata pa tayo nun?? Ibig sabihin, mga wala pa sa tamang pag-iisip lang ang magkakagusto sakin?? Kapal mo din, ha! Alam mo ba, ikaw yung unang lalaking nagustuhan ko na nakapagpatibok sa puso ko ng pagka-bilis-bilis? Nung umalis ka, kahit nagka-crush ako, iba parin yung sayo, eh. Actually sa pagkakawala mo, nakalimutan na kita. Pero nung bumalik ka, ang nakakainis e bumalik din yung nararamdaman ko para sayo! Sobrang nakakainis! Lagi kong sinasabi na wala lang to, shock lang to. Pero...wala eh. Kahit anung tanggi ko sa sarili ko, tumibok parin yung puso ko para sayo. Nung may nagsabi na may napupusuan ka daw na classmate mo, kahit alam ko na mabait siya, wala akong magawa kundi ang magalit sa kanya. Nakakainis talaga yun! Pero ang pinakanakakainis ay ang hindi ko alam kung hanggang ngayon e meron pa rin ba dahil nagkahiwalay ulit tayo. And honestly, ayoko nang malaman pa......
Sorry po kung puro "inis" na lang ang naintindihan nyo. Hehe.

Sorry din po kung bitter.
