Chap 4[Thursday night]
Wala ka nang kulang sis?
Wala na ate.
Text text nalang ha?
Sure. Bat pa kasi kailangan ngayong gabi na ko pumunta dun?
Ayos lang yan sis.Niyakap ko si ate. Haaaay. Mamimiss ko sya. Bihira ang ganito kabait na ate.
Hoy Les!!!Ano nanaman ba ang kailangan ni kuya?
Tawag ka na ni Ren. May ibibigay kasi siya sayo.
Ibibigay? Ano naman kaya yon…
Pag pasok ko sa kwarto ni Kuya Ren nakakita ako ng sobrang cute na hamster!
Ang cuuuute!
Ayan. Nung pumunta ako sa petshop, naghanap ako ng hamster. Para naman may madala ka dun.
Thank you kuya! Hinug ko sya ng mahigpit na mahigpit. Mamimiss ko talaga sila.
Imagine ba naman kasi, titira ako kasama ng Gerard na yon?!
Dapat pag uwi mo buhay pa yan ha?
Grabe naman kuya! 4 years yun!
Hehe…Nung pag baba ko, bago ang lahat, tumawag muna ako kay papa bago umalis.
Naluluha pa nga ako nung kausap ko sya sa phone eh.

Tapos, sumakay na kami ni mama ng sabay sa kotse. Stinart na nung driver yung car.
Nagwave na ako kay ate at kuya ng bye bye…
Umalis na kami…
At nakatulog ako.
-----x-x-x-----
wehe.. nga pala, kaya sya gabi pumunta sa resthouse nila Gerard, ay para settled na sila by morning.
