Chap 1
Anak.. Anak.. Gising na.. Tanghali na..
Hmm…
Leslie, anong oras na? Gumising ka na jan!
Maaa.. Summer pa… Pwede pa ko matuloooog…
Bukas na nga enrollment mo eh…
Huh? Ano daw? Enrollment ba kamo? Saan?
Ma? Enrollment? Saan? Alam ko hindi pa bukas ang enrollment sa Ateneo ha.
Hinde. Pasado ka sa UP.
Diliman?
Los Baños.Napatulala ako ng saglit. Ako? C Leslie Anne Villanueva ay naka pasa sa UP LB?
Ayyyiiieeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hoy. Wag ka nga maingay! Baka akalain ng mga kapit bahay natin kung ano ginagawa naming sayo.
Ako?! Nakapasa ako sa UP LB?! Ayyyyyiiiiieeeee!!!!
Ewan ko sayo. Ang kulet mong bata ka. Kinurot ako ni mama sa cheeks.
Bumaba ka na. Kumakain na ang ate at kuya mo sa baba.Tumango nalang ako. Tuwang tuwa ako. Grabe. Imagine? UP LB. Haaaaaay… Tinext ko kaagad halos lahat ng nasa list ko:
``
:gm: halloo sa lahat! ^^ psado q sa up los baños! wee hehe… ^^Hindi ko parin matanggap sa sarili ko na nakapasa ako. Ako palang ang Villanueva na mag u-UP. Lahat ng Villanueva ay kasalukuyang nasa Ateneo. I WILL MAKE HISTORY!!!
*pak* Bigla kong sinampal yung mukha ko.
Ano ka ba? Baliw.Bumaba na ako. Nakita ko sila ate at kuya na kumakain.
*tok* binato ako ni kuya ng kokocrunch.
Asteeg mo tol! Pasado sa UP! Nerd ka talaga. Ngumiti nalang ako. Ang baliw talaga ni kuya.
Nice sis! Pasok sa LB. Ikaw palang di mag a-Ateneo sa mag pipinsan ha.Oo nga eh. Todo smile parin ang lola niyo.
Habang pinapamukha sakin ni kuya na nerd ako, at ako lang ang Villanuevang mag u-UP, nag text si Gerard Ferandez saken:
`
oi. congrats! up lb rin xa. psado din aq e. bka mgkaklasm8 tau.Si Gerard? Pasado rin sya?Ma, pasado rin daw si Gerard sa LB.
Pano mo nalaman?
Nag text siya saken.
Aba aba.. Gerard.. Diba yun yung crush mo?
Crush?! Kapal. Ano ka ba. Kababata ko lang yun.
Ano ka ba sis, kababata means ‘childhood sweetheart’. Yikee. Tawa ng tawa si ate at kuya.Ewan ko sa inyo.
Pero hindi ko mapigilang ngumiti. Oo, crush ko si Gerard… Dati. Pero yun lang. Walang nangyare samin.
Friends lang. 