Teentalk

Author Topic: My Girl and I [COMPLETED]  (Read 352425 times)

SGwannabe

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 632
  • Karma: +185/-34
Re: My Girl and I - a romantic comedy story
« Reply #30 on: May 26, 2006, 11:26:33 pm »
Chapter 2

~Hay grabe, ano kaya nangyari kela Tofer? Tagal naman nilang dumaan ulit. Nasaan na nga ba si Carla? Kakaiba talaga yun! Parang kabute eh. Bigla-biglang sumusulpot bigla-bigla rin nawawala.~

“Mae, nakita mo ba si Carla? Kanina ko pa siya hinahanap eh!”

Mae: “hindi pa nga eh! Tara na sa classroom baka na una na yun!”

Pagdating naming sa room andun nga siya, teka bakit parang may iniisip siya? Mukhang malalim pa! Aba! Mukang nababahala ‘to ah? Hmm.. matanong nga..
 
“CARLA!! Loko ka! Hindi mo man lang kami tinext na andito ka na sa room!”
Vince: “Bianx kanina pa yan natutulala! Sarap ngang batukan eh! Akala mo math yung sinosolve niya! Jusko po! Pwede ba!”
Carla: “OH andito na pala kayo!! San kayo galing??”
Mae: “Anong san kami galing?? San KA nanggaling?!”Carla: “Ah.. ako ba.. sa.. cr! Oo tama sa CR!! ~ano ba yang excuse mo Carla.. minsan nga magisip ka!~
Bianca & Mae: “Ahh..”

Andito na yung Adviser namin! Nako mukhang napagalitan na naman ng principal ‘to ah.. ano kaya sasabihin niya ngayon?

Mr. Fuentes: “Class, kinausap ako ng principal.. as usual wala na naman daw naka pasok sa Top 100 miski isa sainyo. Please naman.. magaral naman kayo kahit papaano.. lagi akong pinagtatawanan sa faculty room, ako naman tanggol ng tanggol sa inyo, hindi ba pwedeng kahit ngayong ga-graduate na kayo mag aral naman kayo?”

Class F: “Opo..”

Mr. Fuentes: “Ok class, wala ako sa mood mag turo ngayon, bukas na lang ulit tayo magka-class. Adjourned.”

Class F: “goodbye and thank you Mr. Fuentes”

Aba tapos na class ko! Pwede ko na ibigay yung letter ko kay Tofer! Asan na ba siya? Ah nasa east wing nga pala yung class room niya! Iintayin ko nalang siya sa may hallway! This is it!!

“Mae, Carla.. sasabihin ko na sa kanya! Ibibigay ko na ‘tong letter ko! Eto na yung araw na pinaka hihintay ko!”
Carla: “BIANX! WAG!!!”

Wag? Bakit? Bahala siya! Tumakbo nalang ako papunta sa east wing para mag intay sa hallway..

Mae: “Bakit naman? Hayaan na natin siya na ipaalam kay Dylan yung tunay niyang nararamdaman, kesa naman habang bihay niya iyon pasahin.. at least nasabi niya yung gusto niyang sabihin. Kung ano ang magiging reaction ni Dylan, yun nalang ang isipin natin..”Carla: “Pero.. ~nagpropose siya kay Niña!!!~ o sige.. tara, sundan na natin siya..”

~Ang tagal namn ni Tofer.. na saan nab a siya?? OH MY GOD! AYUN NA SIYA! Ba’t nanlalaki mata ko? Teka wag! Pangit pangit! Dapat pa-cute ng konti..~

Habang naglalakad si Dylan papunta sa direction ko bigla kong inabot yung sulat at nakapikit na sinabing..







“GUSTO KITA MATAGAL NA. ETO SULAT PARA SAYO..”
« Last Edit: May 26, 2006, 11:30:18 pm by SGwannabe »
Follow me ♥

SDTGT...

SGwannabe

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 632
  • Karma: +185/-34
Re: My Girl and I - a romantic comedy story
« Reply #31 on: May 26, 2006, 11:32:46 pm »
nice. naku. kelangan pogi ung bidang lalake. :) tas maganda rin naman ung gurl. :D

eh, what if hindi ganun ka ganda yung girl? hehe wala lang.. basta yung pics na popost ko is yung hindi vain yung dating.. ah basta! wait for it na lang, okay? :D
Follow me ♥

SDTGT...

SGwannabe

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 632
  • Karma: +185/-34
Re: My Girl and I - a romantic comedy story
« Reply #32 on: May 26, 2006, 11:38:19 pm »
hay nko bro, cguro ksing pogi moe ung leading man? :D :D :D  pra kng girl, kung mag isip, prng u can read our mind :D :D


maganda ba si nina kya sya ung ngustuhan moe? still go for bianx :)
post mo na next chapt. nkkabitin eh..  :)

gwapo nga ba ako? lol i dont know. hehe! basta secret kung sa akin yung story nangyari :D
Follow me ♥

SDTGT...

bheibycOh

  • Guest
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2
« Reply #33 on: May 26, 2006, 11:43:07 pm »
OMG!! nakayanan ni bianx yun?.. hehe!ü
next nah poh..

geLyN_23

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 24
  • Karma: +0/-0
  • tnx 4 coming in2 my lyf..=)
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2
« Reply #34 on: May 27, 2006, 03:14:06 am »
hahaha..nka2tawa... next n po.. ;D
"its hard to believe that i couldn't see, u were always here beside me, thought i was alone with no one 2 hold, u were always ryt bside me, this filings lyk no other, i want u 2 know!!=)

Miki_07

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1426
  • Karma: +5/-7
  • love like u've never been hurt before...
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2
« Reply #35 on: May 27, 2006, 05:14:07 am »
wah!nakakrelate ako. :'(

smile_akOh10

  • Guest
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2
« Reply #36 on: May 27, 2006, 08:57:26 am »
u...DYLAN...ako na lng.........

OO na........pakasal na tayo...
harhar...... :D

belle_bby

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1024
  • Karma: +36/-8
  • stop bugging me.
    • bloggie.
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2
« Reply #37 on: May 27, 2006, 09:40:49 am »
Woohoo ang ganda!
♥thread ♥blog ♥multiply<br />you\\\'re the reason

SGwannabe

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 632
  • Karma: +185/-34
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2
« Reply #38 on: May 27, 2006, 12:06:07 pm »
~Aba tingnan niya lang ako! Bakit ganun? Parang wala siyang reaction sa ginawa ko.. napalakas ba yun? Wala naman tao ha.. bakit kaya ganun? Teka yung sulat?? Hindi niya rin kinuha!!~ :o :o :o :o :o

Wala akong nagawa kung hindi mapaluhod.. nakakahiya yung ginawa ko.. tapos binaliwala niya lang.. :-\

Carla & Mae: “BIANX!!”
Mae: “Ano nangyari?? Pinansin ka ba niya?? Yung sulat!? Oh bakit nasasayo pa rin??! Hindi mo ba binigay?
Carla: “LANCE DY!! Bakit hindi mo tinanggap yung sulat ni Bianca?? Kahit manlang basahin mo yung sulat! HA?! ANONG PROBLEMA AT HINDI MO SIYA PINANSIN?!” >:( >:(
“Oo, alam ko na gusto niya ko. Bakit hindi ko siya pinansin? Kasi..”
“Tofer tama na. Carla, Mae tara na..”

Habang naglalakad na kami patalikod sa kanya bigla siyang nagsalita..

“TOFER?! Ayos ha. Sorry ha, pero ayoko sa isang babaeng BOBO.”

Napahinto kami saglit nung sinabi niyang babaeng bobo. Ano bang akala niya, ako lang yung bobo?? HOY LALAKE TATLO KAMI DITONG NASASAKTAN!! >:(

~iemphasize pa daw ba yung BOBO?! Loko yun ha!! bobo daw?? Oo aminado akong bobo ako! Pero hindi naman niya kelangan ipagnuknukan yun sakin! Kapal ng mukha niya! Sinayang ko lang yung anim na taong ko siyang hinangaan.. simula ngayon buburahin ko na siya sa puso’t isip ko! Hmph! Akala niya!~

Nasa bus n kami nila Carla t Mae ang tahimik naming.. nakakapanibago pero biglang nagsalita si Carla

“Tara! Inuman tayo! Para makalimutan mo na yang pesteng Dylan na yan! Ang kapal kasi ng mukha eh!"
“Oo nga!! Ano naman kung gwapo siya?! Sabagay, matalino.. samantalang tayo tres bobitas! Pero he’s so kapal pa rin ha! Wag na tayong uminom! Shopping na lang!"
“Ano ba kayo! Ikaw talaga Carla! TOMADOR KA NA TALAGA NOH? Puro alak na ata laman ng ulo mo eh! Ikaw naman Mae puro ka shopping! Eh pag nag babayad ka nga ng mga biibili mo eh halos madaya ka na sa sukli kasi hindi mo binibilang! Mabuti pa, kakalimutan ko na lang siya! Bahala siya!” >:(

Nakarating narin ako sa bahay sa wakas! Eto naman si Papa, may kausap pa sa phone! Sino kaya yun.. matanong nga..

Daddy Mar: “Oo sige, dun na lang tayo. Mga 7:00. okay.”

“Papa”
Daddy Mar: “Bianx, magbihis ka na at makaka didinner tayo sa labas.”
“Dinner sa labas?! Sino nanaman!? O sige po, magmaliligo lang ako tapos magbibihis na.”
Daddy Mar: “o sige anak, bilisan mo ha.”


Italian Restaurant. 6:30 pm


ABA akala ko naman kung saan yung dinner sa labas na yan, dito lang pala sa restaurant namin! Eto na nga lang yung bumubuhay sa aming dalawa tapos makakalibre pa yung makaka dinner namin! Tsktsk, ayos, ayos talaga.. 15 minutes ng nakalipas at dumating na sila..






Daddy Mar: “Anak, eto sila Mr. and Mrs. Dy. Kumiss ka sa kanila..”
“Yes papa.. ~MR. AND MRS. DY?! OMG  baka kamaganak nila si..TOFER?! :o no.. hindi pwede..~ Good evening po.” tapos nag kiss ako.

Grabe! Imposibleng kamag anak nila si Tofer, hindi naman niya kamukha yung mama! Pero ung babae mero.. hawig niya.. nako.. baka naman kamag anak lang! pero hindi niya pwede maging magulang yan! Ang tangkad niya eh.. samantalang itong dalawa tama lang..

Mrs. Dy: “Teka lang ha! lalabas lang ako sandali..” Then she left.

Mr. Dy: “Eto na ba yung anak mo? Aba! Ang ganda ha! mejo malusog nga lang ng konti pero maganda! Kaya lang..” hinead to toe nya si papa “hmm..hindi mo siya kamukha Mar.”

Daddy Mar: “Hindi ka pa rin nagbabago! Oo, kasi mas kamukha niya yung mommy niya. Halos wala nga nakuha saakin eh”


~Hahaha! Nakakatawa naman etong mama na to! Pero teka bakit ganun sila kung mag usap, parang sobrang may pinagsamahan sila? Tapos kung sabihan ako ng maganda ::) at MALUSOG >:( eh akala mo isasali ako sa pageant! Sino ba kasi sila? At asan na nga pala si Mrs. Dy?~

Daddy Mar: “Bianx, can you call tita Kristy? Tell her that it’s time to eat..”
~Tita Kristy? Aba! Ayos to ah! Parang Tita Kristy Fermin! Haha! ;D Puro kalokohan nanaman ako!~ Yes Papa.”


Lumabas ako para puntahan si Tita kristy, nasan na nga ba siya? Baka naman kasama niya pa si Tito Boy! Ay chika minute sila! Hahaha! ;D Ang baduy ko talaga. Ayun pala siya! May kausap sa cellphone niya, sino kaya yun?

Mrs. Dy: “..ikaw na lang baby ang hinihintay namin dito, bilisan mo na dyan, 5 minutes lang to from Ryan’s house sa Makati, kaya bilisan mo. Mag paalam ka na kela Ryan.” Napatingin siya sa akin “Oh. that was my eldest son, I told him to come here to eat with us, i explained everything to him, don’t worry, hija.” Then she smiled.

“Tita Kristy kakain na daw po tayo.” Tapos ngumiti rin ako.

~Ang weird naman namin, pero mas weird siya. Tintigan niyo ka ng kakaibang klaseng titig, nakangiti pa! Explained everything?! Ano inexplain niya? Ryan!? Who’s Ryan? Teka ang gulo nila mag asawa. Meron ba akong hindi alam? Oh well maybe sasabihin nila sa akin later.~

Pero infairness, mukhang mayaman sila! HELLO!? Last name palang noh.. DY! Omg! Pang Chinese! And yung car nila, WOW! :o Convertible na Beetle! San ka pa!? Maiintindihan ko sana kung nasa states tayo, pero hinde! PILIPINAS TO! :-\ Kamusta naman yun diba?? Sinong bibili ng convertible beetle dito? At pag naka bukas yung ulo nun, ay jusko! Tingnan lang natin kung hindi sila maka singhot ng pulusyon! :D ;D :D
 
Habang kumakain na kami, narinig na naming may dumating na car..

“Ry, pare salamat sa pag drop by sakin dito!”
Ryan: “Sus wala yun! Ikaw pa, sige pasok ka na baka iniintay ka na nila dun! Pupuntahan ko pa yung dalawa kong chicks at baka magtampo na yun!”

~ano ba naman ba kasi ‘tong sila Mommy! Wrong timing eh, ano kaya meron? Eto na ba yun?? Sige, ipakasal na nila ko dun, wala na rin si Niña eh.. friends lang daw talaga.. haay. Tablado ko..~

“Excuse me po, kukuha lang ho ako ng pinggan pati spoon and fork..”
Daddy Mar: “oh sige anak.”

~Sino kaya yung anak nila? Gwapo kaya? Ano ba yan! Ano naman paki ko kung gwapo? Eh kanina lang nasabihan ako ng “ayoko sa isang babaeng bobo” tapos ngayon mahihiligan ko pa sa isang gwapo? Kakaiba nga naman talaga ako~

“Ate Tess, lagyan mo pa nga ng isa pang plato, spoon and fork pati na rin baso. Salamat.”
Mrs. Dy: “Anak, siya si Tito Mar, nasa loob ng kusina yung anak niya, halika maupo ka.”
“Good evening po tito..”

Habang nasa loob ako ng kusina narinig ko na yung boses nung lalaki. Kakaiba, parang napaka..ano nga ba yun? Magalang.. ::) maamo ::) at parang matalino! ::)

~ano ka ba Bianca!! Wake up! Kung matalino yan edi lagot ka na naman! >:( *slapslapslap*~

Pag labas ko ng kusina dirediretcho lang ako sa table namin, nang tumingin ako para malaman kung sino yung guy..











“OH MY GOD.” :o :o :o :o :o :o
« Last Edit: May 27, 2006, 12:10:24 pm by SGwannabe »
Follow me ♥

SDTGT...

smile_akOh10

  • Guest
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2 - 2ndPART
« Reply #39 on: May 27, 2006, 12:37:30 pm »
OH MAH GOD,,,....

si Tofer ba yun...hala..

Okei lng yan Bianx......maganda ka naman eh,.....

nxt na.. :D

Unica_andrea

  • jellybean
  • **
  • Posts: 112
  • Karma: +0/-0
  • You've got to hold your head up high..
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2 - 2ndPART
« Reply #40 on: May 27, 2006, 12:38:40 pm »
 :D :D :D :D ay grave tlga. bitinin daw ba akoe? next na bilis bilis  :D :D :D
how do you deal when you can't be with the one you love.
and the one that you love is with somebody else.
and what do you do when you know he dont love her and
he loves me but he just can't stand loving me far away.

giniling17

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 627
  • Karma: +0/-2
  • peace!üü
    • blehbluh
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2 - 2ndPART
« Reply #41 on: May 27, 2006, 01:42:04 pm »
wahaha si tofer ngaaaa! arranged marriage ito. langyah! :) ang gara! next na
desa.ü

belle_bby

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1024
  • Karma: +36/-8
  • stop bugging me.
    • bloggie.
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2 - 2ndPART
« Reply #42 on: May 27, 2006, 02:57:11 pm »
Boo yah!!Sabi na nga ba...
♥thread ♥blog ♥multiply<br />you\\\'re the reason

moonprincess_26

  • jellybean
  • **
  • Posts: 152
  • Karma: +0/-0
  • aNiMe fAnAtiC 4 LyF!!!
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2 - 2ndPART
« Reply #43 on: May 27, 2006, 03:30:47 pm »
hehe si Tofer nga un!
waah! OH my GULAY!
bobo?! saket nu, ah?!?
eniwei, nxt n! cute story nga pala ;)
he luvs her.. but i luv him.. he doesn't lyk me coz he can't let go of her... wat else can i do?
ay naku, basahin nio na lng to ng malaman io... I LUV SLASH HATEYOU!
http://www.candymag.com/teentalk/index.php?topic=110351.0 ---> i luv slash hate u! ty!

^charming_and_cool^

  • taffy
  • ***
  • Posts: 488
  • Karma: +0/-0
  • tsarmeyn is da neym :)
    • bloggie q
Re: My Girl and I - a romantic comedy story - CHAPTER 2 - 2ndPART
« Reply #44 on: May 27, 2006, 03:56:24 pm »
OH MY GUUUUUUUUUUUULAAYYY
si tofer.. ahahaha..
grabe k mangbitin ahhh.. next na.. :)

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website