~Ano ba naman to! Palagi na lang yun yung sinasabi nila eh, hay nako! Tama ba naman ba kasing sabihin nila sakin at the age of 9?! Malamang wala pa akong alam nun sa mundo! At malamang hindi ko pa kilala si Niña nun! Hindi ko pa nga nasasabi kay Niña na gusto ko siya eh, tapos biglang ipapakasal na nila ko sa taong hindi ko kakilala?? OMG! OMG TALAGA!~
Ako nga pala si Dylan, sabi nila matalino daw ako, pero hindi naman ako nag aaral tuwing gabi, sa katunayan nga maaga pa kong natutulog. Magaling lang talaga siguro ako. Sabi ng parents ko, pag dating ko ng 18 ikakasal na daw ako, kasi meron silang matalik na kaibigan at nagkasundo sila tungkol sa bagay na yan, grabe noh? ibang generation na nga to pero may “fixed” marriage pa rin! Kakaiba talaga sila! Meron din pala akong bunsong kapatid, siya si Kris, katulad ko, matalino din siya, parehong pareho kami halos ng ugali, yun nga lang hindi siya kasing tinik ko sa babae, mataba kasi!
Sa bahay nila Dylan
Mommy Kristy: "Dear ang tagal mo! Malapit na mag 2:00 oh! Pupuntahan pa natin yung bestfriend mo."
Daddy Larry: “Oo, Dear! Andyan na!”
SCHOOL LOUNGE.
Nakikita ko na naman si Niña.. sabihin ko na kaya? Para pag pumayag siya na pakasalan ako, may reason na ko para mag backout. Pero pano na pag hindi siya pumayag? Edi tuloy ang kasal.
“Niña! Sumama ka sa akin, bilis! May sasabihin ako sayo.~magpopropose na ko sayo..~”
Niña: “Now na? Oh sig-“
“Tara na!” hinaila ko na lang siya para wala nang maraming tanong.
~OMG! Bakit tumatakbo si Tofer? At bakit hawak ni Tofer yung kamay ni Niña? Ano ka ba naman Bianca!! Syempre simula nang dumating si Niña sa school na to naging close na sila. Kaya nga nawala ka bigla sa paningin ni Tofer diba? *sigh* tama! Kelangan ko na amin kay Tofer bago pa mahuli ang lahat.. malay niyo gusto niya rin ako diba? UMASA PA DAW BA AKO? Kamusta naman yon??~
-MUSIC ROOM-
“Niña, grabe ang tagal na nating magkaibigan, gusto kong malaman mo na mat-“Niña: “Matagal mo na ‘kong gusto. Alam ko na yun, napansin ko yun eh, sa totoo nga eh ako rin.. gusto rin kita..”
“TALAGA?! You like me, too? Kasi, ako gusto talaga kita.”
Niña: “Oo, a-“
“Will you marry me?”
~Aba nakakagulat naman ‘to!! Sasabihin ko ba kay Bianca? Wag na, baka masaktan lang siya! Ano nang gagawin ko?? Grabe, nagpopropose na si Dylan kay Niña! Ano kaya sasabihin ni Niña?~
Niña: “Huh??? Dylan, I like you as a FRIEND. Siguro nga nagkaroon ako ng weird feelings sa ’yo before pero ang hirap naman ata sagutin ng tanong mong yan..”
“As a friend.. Kasi sa totoo lang, baka eto na rin yung last time na mgpopropose ako sa ‘yo..hindi mo ba pupwedeng ireconsider? Sige na naman oh”
~ANO DAW?! 18 pa lang si Dylan ha?? Pero kung magsalita siya eh parang si Niña na yung gusto niyang makasaa habang buhay.. Nako, pano na talaga si Bianx.. tablado na!~
Niña: “Ano ba yang pinagsasasabi mo? Ewan ko sa ‘yo. Tama na baka magkailangan pa tayo. Sige mauna na ako.”
~OMG! Lalabas na si Niña! TAKBO!! Kelangan ko mahanap si Bianx bago pa niya malaman sa iba! Teka asan na nga ba sila?
SASABIHIN KO BA KAY BIANX YUNG NAKITA’T NARINIG KO?~[/i]