Teentalk

Author Topic: "Sketch"-2nd Story =). THE END at page 52. See Page 11 for images. =)  (Read 89020 times)

ungaw

  • taffy
  • ***
  • Posts: 394
  • Karma: +15/-4
  • endlesslytaintedwithblood
SKETCH READERS: DI pa ako sure, but I might publish 'Sketch' either as an online comic book or comic book mismo. Once I get to this digital coloring workshop and get myself a graphic tablet, baka gumawa ako. :) So ayun. Abangan nyo na lang... :)

IMPORTANT NOTE:Do not distribute any of the stories
without my consent. This happened two times na, pinapalampas ko lang, coz I know you readers just want to share my story to others. But please, ask my permission first. And don't forget to give credit. Kahit yun lang. Thank you.

And when I say distribution, it means REPOSTING IT IN FORUMS, BLOGS and EMAILS.




Pasensya na ha, gusto ko kasing gumawa ng gumawa ng kwento habang bakasyon pa eh! XD

I'm waiting in vain for nothing, not noticing I already have everything.-Drama

Sketch?-Hulaan nyo! XD


WANT THE WHOLE COPY? MESSAGE ME. :)


Sorry, I don't give copies of the story anymore. Coz I have my website for that. Just check out my website na lang.



-0-0-0-



“I’m sorry but your child would no longer be accepted in this school. She has done enough violations for her to be expelled from this school. I’m sorry Mrs. Buendia. Nanghihinayang nga ako sa anak mo eh. Matalino pa naman, kaso rules are rules. Pero believe me Mrs. Buendia, your daughter has been a great lost to us.”


Ang plastik talaga ni Ms. Enriquez! If I know, matagal nya na ako gustong ikick out sa eskwelahan na ito. Bakit si Melanie, hindi din nila iexpel? Panigurado, sinuhulan nya si Ms. Enriquez kaya hindi ko sya kasamang naexpel!

“Eh bakit yung nakaaway nya? Yung Melanie ba yun? Sya ang nauna diba? Tinapunan nya ng mango shake ang anak ko! Alangan naman na hindi lumaban ang anak ko diba? Unfair naman ata na ang anak ko lang ang maeexpel!”

“Melanie will be suspended for her actions. Compared sa anak nyo, mas konti ang violations ni Melanie. At maganda ang reputation nya at ng mga magulang nya sa school na-“

“Ah! Ganun? Koneksyon kamo! Hindi na ako makikipagargumento pa! Tama na rin na matanggal sa eskwelahang ito ang anak ko! Tutal, mga mukhang pera naman mga tao ditto eh! Ang laki pa ng tuition! Maiwan ko na kayo!”
Tumayo na si mama sa kinauupuan nya at hinila na ako palabas ng office.

Pagkalabas ng school, akala ko okay na ang lahat, ng bigla akong piningot ni Mama.

“Ma! Ang sakit! Aray! Wag naman dito! Nakakahiya!"

“Naku! Bata ka! Maldita ka talaga kahit kailan! Akala mo kinukunsinte ko ang pagiging warfreak mo? Syempre hindi! San ka magaaral ngayon ha? Naku bata ka! Okay lang lumaban pero wag naman sobra! Aba, ilang araw daw nasa ospital yung nakaaway mo eh! Tapos ikaw, black eye lang at kalmot ang nakuha! Wag ka makipagaway sa walang laban sayo! Maging patas ka naman!”


Sus. Hindi daw nya kinukunsinte ang pagiging war freak ko. Eh parang sinabi nya na ok lang na makipagaway ako, basta sa katapat ko lang. Teka, san nga ba ako magaaral? Eh ang St. Anne Academy lang naman ang malapit na school sa amin?

Pagdating sa bahay, nakangisi si Kuya Dave,Kuya Denver at Kuya Dexter sakin. Parang alam na nila ang nangyari sa school.

“Ayan, yang kapatid mo, di na tatangapin sa St. Anne. San natin ipapasok yan ngayon?”

“Sinabi ko na nga ba eh. Napaghandaan ko na yan eh. San pa? Edi sa school kung saan kami grumaduate! Galing nga ako dun eh at tinanong ko kung ano ang requirements para sa mga transferee!” Sabi ni Kuya Dave na halatang umalis nga ng bahay dahil nakasuot pa sya ng pangalis nya.

“Nangaasar ka ba? Exclusive school yun para sa mga lalake eh!”
Aambahan ko na sana si Kuya Dave ng suntok ng inawat ako ni Kuya Dexter.

“Relax bro…Este sis pala! Nalaman ko kasi na ang Colegio De San Antonio ay Coed na! Tumatanggap na sila ng mga babae!”


“Aba, edi maganda. Hindi mo na pala kailangan lumipat sa mas malayong eskwelahan!”

“teka, edi puro lalake dun? Paano kung ako lang nagiisang babae dun?”

“Ok lang yun! Ng makahanap ka na ng katapat mo! Hahaha!”

“Para magkaboyfriend ka na rin Madeng! Maraming mayayaman at gwapo dun!” Hirit naman ni Mama.

“Ma, hindi sila talo no!” Sabay tumawa ng malakas si Kuya Denver.

Napikon na ako kay Mama at sa mga Kuya ko. Umakyat na ako para makapagpahinga.

Ako si Maria Denise Buendia. Ayoko nung Maria sa first name ko. Dahil dun kaya Madeng ang tinatawag sa akin ng mga tao dito sa bahay. Siguro ang first impression nyo na sa akin ay boyish ako at warfreak na babae. Medyo tama kayo dyan. Tatlo ba naman ang kuya mo, di ka kaya lumaking boyish?

My usual dress code is, shirt/tee,pants and chucks or rubbershoes. Di mo ako makikitang nagslesleeveless o di kaya palda. Lagi nga pala akong may suot na cap. Kahit sa school may suot akong cap kahit alam kong bawal. Hehe. Mga kabarkada ko sa amin, mga kapitbahay kong lalake. Hindi naman sa malandi ako ha, mas komportable lang talaga ako pag lalake ang kasama. Madalas nagbabasketball kami sa court malapit sa amin.Minsan naman, naglalaro kami ng mga computer games sa mga computer shops na malapit sa amin.

Pero hindi ako tomboy ha! Maaring hindi pa ako nagkakaboyfriend pero wala akong interes sa mga babae. Kahit na sa exclusive school ako nagaral, ni hindi sumagi sa isip ko na manligaw ng babae.

At isa pa, kahit maging lalake ako, di ako magkakagusto sa mga babae dun! Saksakan ng arte ang mga babae dun! Lalo na yung grupo nila Melanie! Buti hindi ako nahawa sa kaartehan nila! Para bang hindi sila mabubuhay ng wala ang ever trusted kikay kits nila! Tuwing may sports activity kami, ayaw na ayaw nilang napagpapawisan sila at nadudumihan sa field! Mga pretty rich kids na porket nakakaangat sila, eh masyadong kinakawawa ang mga di nila kalevel. At medyo naiinis ako sa pagkahilig nila sa pink. Sumasakit na ang mata ko dahil kahit saan ako tumingin, color pink na gamit ang nakikita ko!

Pero di naman lahat ganun, may mga naging kaibigan din ako dun. At kung may kaibigan ako, may kaaway din. At yun nga ay ang grupo nila Melanie. Walang araw na hindi kami nagpalitan ng maanghang na salita at mga paangas na tingin. Sila naman lagi ang nauuna eh. Akala kasi nila, papayag ako na api-apihin nila tulad ng ginagawa nila sa iba kong classmates. Pinakahuli na ngang away namingay ang dahil sa uniform na syang dahilan kung bakit ako naexpel sa school.

Ayoko ng fitted na uniform tulad ng sa kanila para lang lumabas na sexy sila. Parang mas madali kasing gumalaw pag maluwag ang uniform ko. Ewan ko ba sa kanila at pati ba naman uniform ko eh pinapakialaman nila. Kesyo mukha na daw akong gangster sa sobrang luwag ng uniform ko. Syempre sumagot ako hanggang sa umabot sa pagtapon sakin ni Melanie ng mango shake. Papayag ba naman ako na hindi makaganti? Binuhos ko sa kanya ang toyo ng siomai ko. At ayun nagsimula na ang sapakan namin. Ang daya nga kasi pati mga kaibigan ni Melanie pinagtulungan ako. Pero naligpit ko din silang lahat. Kaso nga lang, nasobrahan ata ako sa pagkakabugbog ko sa kanila. Lahat sila naospital maliban sakin. Buti hindi nagreklamo ang mga magulang nila.

Achiever ako di tulad ng mga babaeng yun. Kasama ako sa honor roll. At varsity din ako ng basketball sa school namin. Active member ng sports club at….. suki ng Discipline Office?

Ano pa ang iba kong violations? Masakit man aminin pero troublemaker ako sa school. Malakas ang trip ko minsan eh. Dahil masyado na akong bored sa cultural show sa school naming, binuksan ko yung fire alarm para makauwi na ako agad habang nagkakagulo. Isang beses naman, nung hindi sumipot ang P.E. teacher naming at naabutan naming syang natutulog sa gym, nainis ako at tinali ko ang magkabilang sintas ng rubbershoes nya.

Nagbago ang buhay ko ng ilipat ako ni mama sa Colegio De San Antonio. Dito nagsimula ang bizarre ride ng buhay ko.

-0-0-0-

“Hoy Madeng! Gising na! Aba, first day of school mo ngayon!” Kinuha ni mama ang unan na nakatakip sa ulo ko.

“1st day mo palang, may violation ka na agad dahil sa pagiging late mo! Hahaha!”
Sabi naman ni Kuya Denver. Binato ko nga sya ng unan ko. Nasapul sya sa mukha.

“Ikaw ah, wala kang pagalang sa kuya mo!” At bigla nyang tinakpan ang mukha ko ng unan!

“Hoy! Ano ba kayo? Ang aga aga nagaaway na agad kayo!”

Lumabas na ako ng kwarto at naligo na sa banyo. Nagbihis na ako ng uniform ko. Kung ayoko ng uniform naming sa St. Anne, mas ayoko ng uniform dito sa CDSA, Longsleeves na nga ang pangitaas, ang ikli pa ng palda! Pinarepair ko nga kay Mama eh. Pinahaba ko, kaso naiiklian parin ako. Naiilang tuloy ako.

Kasabay ko kumain sila Kuya Dave,Denver at Dexter. Lahat sila college na. Dapat nga magdodorm na sila eh, kaso gusto daw nila, nasusubaybayan daw ako. Mainis kamo. Yun ang gusto nila.

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na ang favorite cap ko at umalis na ako ng bahay. Sumakay na ako ng jeep sa may kanto at bumaba na sa harap ng CSDA.

Medyo nainitan ako kaya itinaas ko muna ang sleeves ng blouse ko. Sinuot ko na din ang cap ko.

Ang laki pala ng eskwelahang ito! Baka maligaw lang ako kaya naisip ko ng magtanong sa isang lalaking nakita kong nakasandal sa pader ng Boy’s CR.

“Excuse me po, newcomer ako at gusto ko lang po itanong kung saan ang room ng section 3AD?”

“Alam kong newcomer ka. Ngayon lang naman naging coed ang CSDA eh.”

Ang ganda ng sagot nya ha! Sobrang ganda! Bigyan ko kaya ng isa ito?

“Onga eh. Sabi ko nga eh. Saan ba ang room ng 3AD?”

“Hanapin mo magisa mo. Buong schoolyear ba magtatanong ka na lang?”

Aba, at talagang binubwisit mo ako ha!

“Ang ayos-ayos ng tanong ko sayo! Sana sagutin mo din ng maayos kung ayaw mong masaktan!”

Tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa. May mga lalakeng lumabas sa CR. Mga kasamahan nya ata.

“At sino ka? Bakit mo sinisigawan si Xylan?” Sabi nung isang mataba.

Ah…Xylan pala ang pangalan ng lokong ito. Panget naman ng pangalan!

“At anong pakialam mo dito?”

“Hoy babae, kung babae ka ngang talaga, ayusin mo ang pakikipagusap sa amin. Hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo.”
Sabi naman nung isang lalaking parang makakapatay ng butiki sa sobrang spiky ng buhok.

“Sabihin mo yan sa lalakeng yan! Sya ang hindi maayos makipagusap eh!” Sabay turo ko kay Xylan.

“Aba’t..” Hinawakan nya ako sa kwelyo ko! Mga lalakeng ito pumapatol sa babae?
Hinawakan ni Xylan ang kamay nung humawak sa kwelyo ko. Tinangal nya ang pagkakahawak nya sa kwelyo ko.

“Wag kang pumatol sa mga taong walang laban tulad nya..Wala namang sinabi yan eh, puro salita lang.”

Lokong ito! Akala ko pa naman ipagtatanggol ako! Wag mo akong maliitin! May araw ka din sa akin! Pasalamat ka 1st day of classes ngayon at ayoko magkaviolation agad!

“Tara na..Maguumpisa na klase natin…”

Umakyat na sila at iniwan ako. May nakita akong teacher na naglalakad patungo sa Boys CR. Sinalubong ko sya para itanong kung saan ang room ko.

Una, yumuko sya nung narinig nya kung anong section ko. Tapos ngumiti sya at saka nagsalita.

"Ah...3AD ka pala! Ako nga pala si Mr. De Guzman. Ako ang adviser ng 3AD. Naku, mukhang 1 taon ang kalbaryo nating dalawa ah..Tara at magsisimula na ang klase." Naglakad na sya paakyat ng hagdan.

"Ano pong ibig nyong sabihin? At, ako lang po ba ang nagiisang babae sa 3AD? O meron pang iba?"
Inikot ko yung cap ko na patalikod at sumabay sa paglalakad ni Mr. De Guzman.


"Sa kasamaang palad, oo. Ikaw nga ang nagiisang babae sa 3AD. Malalaman mo rin ang ibig kong sabihin pagpasok natin sa classroom."


Dumaan muna si Mr. De Guzman sa faculty room at pinauna na ako sa classroom.

At pagpasok ko, parang jungle sa gulo at ingay! May mga nagbabasa ng FHM,nagkakagulo sa laptop,nanonood sa portable DVD,nagbabatuhan ng papel,naglalaro ng bola,nagpapatugtog ng radyo at kung ano-ano pa! Classroom ba itong napasok ko? Pero, parang ang saya! Ito talaga ang dream class ko!

At teka, grupo ni Xylan?!

"Aba, aba. Yung babaeng mukhang lalake classmate pala natin! Tara at iwelcome natin sya!"

At mula sa kinatatayuan ko may bumagsak na isang balde ng arina sa ulo ko! Nakasabit pala sya sa pintuan ng classroom! Bakit hindi ko napansin yun?

"Dapat, para sa adviser namin yan, kaso dumating ka, kaya malas mo lang!" At pinagtawanan ako ng buong classroom..

Teka, parang binabawi ko na ata ang sinabi kong "dream class" kasi parang....

NIGHTMARE CLASS ITO!!!






« Last Edit: January 11, 2009, 05:18:36 pm by ungaw »

sweet18

  • jellybean
  • **
  • Posts: 251
  • Karma: +0/-0
  • ♥ ..from the bottom of my broken heart.. ♥
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #1 on: May 13, 2006, 01:26:00 pm »


yehey!!


1st ako... 


teka, sis...



nice one...



super duper like ko to...


pwamis...il support u all the way...



next na sis...



teka, bkit "sketch?"
You know the world can see us...

in a way that's different from who we are...


http://www.candymag.com/teentalk/index.php?topic=112791.0
<NEW!!!>

`true_luv

  • taffy
  • ***
  • Posts: 484
  • Karma: +3/-1
  • if nothing lasts forever, can i be your nothing..?
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #2 on: May 13, 2006, 01:40:57 pm »
wahehe..parang meh pagka-gokusen ito ah.. ;D ganda! ganda! next na po!! :)

ungaw

  • taffy
  • ***
  • Posts: 394
  • Karma: +15/-4
  • endlesslytaintedwithblood
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #3 on: May 13, 2006, 01:43:33 pm »


yehey!!


1st ako... 


teka, sis...



nice one...



super duper like ko to...


pwamis...il support u all the way...



next na sis...



teka, bkit "sketch?"


bakit sketch? malalaman mo rin sa mga susunod na chapters! XD thanks sa suporta ah! =) im glad nagustuhan mo! XD

wahehe..parang meh pagka-gokusen ito ah.. ;D ganda! ganda! next na po!! :)

slight lang. medyo binase ko lang sa character ni Shin Sawada si Xylan. Pero iba talaga yung kwento sa Gokusen. XD




`true_luv

  • taffy
  • ***
  • Posts: 484
  • Karma: +3/-1
  • if nothing lasts forever, can i be your nothing..?
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #4 on: May 13, 2006, 01:49:55 pm »
ahh.. :)

ay, akala ko meh upd8 na..ahiHih.. ;D

sweetlush07

  • Guest
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #5 on: May 13, 2006, 02:00:12 pm »
ang galing naman ni ms. author napagsasabay nia ung 3 stories nia.. hehe.. ganda po nito.. next na :)

jc_15

  • taffy
  • ***
  • Posts: 316
  • Karma: +2/-4
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #6 on: May 13, 2006, 02:04:53 pm »
aabangan ko ito! ganda!

geLyN_23

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 24
  • Karma: +0/-0
  • tnx 4 coming in2 my lyf..=)
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #7 on: May 13, 2006, 02:10:19 pm »
ganda...nka2tuwa ung story... su2baybayan q po... w8 q po ung update mo... :D
"its hard to believe that i couldn't see, u were always here beside me, thought i was alone with no one 2 hold, u were always ryt bside me, this filings lyk no other, i want u 2 know!!=)

maRiceL_10

  • taffy
  • ***
  • Posts: 339
  • Karma: +0/-0
  • >>>..being me is t0ugh..
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #8 on: May 13, 2006, 02:29:21 pm »
>>>..haha, ang cute..



>>>..su2baybayAn k0 din ito..



>>>..g0 g0 g0!!..
when i f0und 0ut dat i'm faLLen inL0ve w/ him, u kn0w wat i did?.. i just kept quiet.. why?.. becAuse even if i teLL it t0 the wh0Le w0rLd it w0uLd 0nLy hurt t0 see everyb0dy Listen..

except him..

pinkleastar

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 55
  • Karma: +0/-0
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #9 on: May 13, 2006, 03:03:31 pm »
wow! haha, nakaka-tuwa naman tong story mo. ;D
next na po! ;) susubaybayan ko pa ito  ;D

belle_bby

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1024
  • Karma: +36/-8
  • stop bugging me.
    • bloggie.
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #10 on: May 13, 2006, 04:50:26 pm »
Ganda nito..Teka ayaw mgload nung stories moh eh...
♥thread ♥blog ♥multiply<br />you\\\'re the reason

ungaw

  • taffy
  • ***
  • Posts: 394
  • Karma: +15/-4
  • endlesslytaintedwithblood
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #11 on: May 13, 2006, 06:33:24 pm »
Grabe! Ang saya naman! Pilot chapter palang, dami na agad sumoporta! thanks talaga ah! sobrang saya ko! XD Try ko magupdate mamayang gabi. XD

Ganda nito..Teka ayaw mgload nung stories moh eh...

sensya na, mali yung pagkakatype ng url ko kanina..ayos na sya ngayon. XD

bheibycOh

  • Guest
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #12 on: May 13, 2006, 06:39:39 pm »
ang ganda naman poh ng stori moh.. continue lng poh..
next nah..
new reader hir!ü

sTick_wit_u

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1118
  • Karma: +4/-6
  • i'm heaven sent.dont you dare forget.
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #13 on: May 13, 2006, 06:50:28 pm »
ang ganda!
cuteness!
♥too old for TOYS,too young for BOYS.♥

jHeaNN_MoNd19

  • Guest
Re: "Sketch"-3rd Story =).
« Reply #14 on: May 13, 2006, 07:00:37 pm »
eiOw pOh!.. :) aNg nYc pOh nG sToRy!.. nEw rEadEr pOh aQ d2 hEhEhE!... :) cOnt. mOh nAh poh hEhEhEhE!... ;D dEmAnDinG pOh bAh!.. ;D dAnDA pOh kXe eHhhH!.. ;) sNa mAkaGWa dN aQ sToRy LyK yOu!.. ;) nOh pOh eAdd mOh?.. pDe pOh qTA aDD sA fWeNdStEr?...








*jheann1802@yahoo.com*

*jhessa1902@yahoo.com*

 

Candy Blog

Who We're Crushin' On: Joe Jonas
by: marla, 2012-05-25
This week was quite a week for the Philippines entertainment-wise, wasn't it? Special guests:...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website