"Sino yun?" Tanong sa akin ni Tito Danny.
"Sandali po ha!" At tumayo na ako at lumabas ng bahay. Sinasabi ko na...
"Matilde!"Ngumiti si Matilde at yumakap sa akin.
"Ano? Tapos ka na bang kumain? Bruh ka hindi dapata tayo malate! First day natin to!""Malapit na! Okey lang ba kung hintayin mo ako ng 5 minutes pa kasi kumakain pa lang kami.""Ah ganun! Soory ha! Nabulabog ko ata ang Ramosa Family! Sige, sige hihintayin kita pero 5 minutes lang!""Okey! Thank you talaga!" At pumasok na ako ng bahay. Oo nga pala si Matilde Hortencio ang super close friend ko. Actually classmates kami since 1st year highschool pero ngayon college maiiba na ang ihip ng hangin.. Iba kasi ang course na kinuha niya Music at ako Performing Arts. Ang hilig niya kasi magbabad sa videoke pati nga karaoke hindi pinaltos!
"Oh sino yun?" Si Tita Muffin ang nagtanong sa akin pagpasok ko.
"Si Matilde po." At binilisan ko nang kumain. Nagtoothbrush na rin ako pero nanatili silang 4 na nakaupo sa dinning room kahit tapos na silang kumain.
"Bakit andiyan pa rin kayo?""Para magbabay sa prinsesa namin!" Nakangiting wika ni Tito Danny.
At sabay-sabay din silang tumayo. Ano ba 'to? Oblation?
"Sige po aalis na ako." At sinundan pa nila ako hanggang gate.
"Mag-ingat ka sa mga kasing gwapo ko ha!" Pakaway-kaway pang wika ni Kuya Den.
"Ingat ka. Maaga kang umuwi." Ang bait talaga ni Kuya Tady.
"Sige na baka malate ka anak." At hinalikan na ako sa pisngi nina Tito Danny at Tita Muffin bago ako lumabas ng gate.. Hooh excited na ako!!!!
"3 days at 3 hours a week lang tayo. Meaning 9-12 at MWF." Naglalakad na kami ni Matilde papuntang AFU. Walking distance lang yun. Mas malayo pa nga nung highschool.
"Okey sandali Matilde anong gagawin natin ng April at May, wag mong sabihin na magkakaclass tayo?" Tanong ko habang nakatingin sa mga estudyante na kasabay namin. Mga student sila ng Mary United School, ang alma mater dear ko.. Hooh namimiss ko na siya!
"Hindi tayo magkakaklase, ipapakilala sa atin ang mga clubs.""Clubs?" Para bang nung highschool? Wow!
"Yup! Alam ko 5 yung club. At dun sa Pep Squad ako sasali.""Pep Squad?" Sa pagkakaalam ko puro mga dancer yun eh si Matilde ni sa panaginip ay hindi ko naimagine na magsasayaw! Whoa!
"Oo grabe, no choice eh kahit na lam mo naman na I love singing siyempre para maiba naman, know your hidden talent!""Ah okey..." At napansin ko medyo malapit na malapit na kami sa school.
"Bagay sa iyo TDC."Muntik na akong matapilok sa bato.
"Anong sabi mo? Anong TDC?""Hindi ko alam ibig sabihin nun pero alam ko about theater yun.""Talaga?" Nanlaki ang mata ko. Wow! Pangarap ko talagang maka-act sa play lalo na sa theater!! Grabe!
"Sabi ko na maeexcite ka! Wait lang.." At napahinto na kami parehas. Bakit kaya?
"Anong quote for today natin?"Nyek! Yun lang pala akala ko kung ano yun.. At kinuha ko na ang small calendar at biglangmay nagpop-up.
"Ang quote for today ay dalawa.""Ha? 2 bakit?""Ewan basta 2 ang nagpop-up. Ang una ay: Every 1 has a talent. What rare is the courege to follow that talent the darkplace where it leads. At ang second ay: Each day's a blessin, a gift & opportunity to fulfill your dreams." At binalik ko na yung pop-up calendar quote book ko. Weird noh? Bigay sa akin eto ng isang aleng natulungan ko. Sa akin na lang daw. Magic nga eto, dahil lahat ng quote of the day ay nagkakatotoo! Parang may kaugnayan sa mangyayari sa akin sa araw na iyon. Ako yung tipong hindi mabubuhay kung wala akong quote for today kasi naniniwala ako na ang mga quotes at horoscope ay guide of your day. Ano kaya ibig sabihin ng 2 quotes na yun? Para kaya sa akin yun?
"Eh yung horsocope natin?""Xenxia wala eh." At papasok na kami ng first gate ng AFU.. Hooh eto na...
Ang AFU o Augustia Fernanda University na itinatag ni Ms. Augustia Fernanda noong 1889, ang tagal na! Pagpasok mo palang ay diyos me bubulaga sa iyo ang iba't-ibang istatwa. Lahat ng god at goddess, hero at presidents ng Phil. ay andito. Pagkatapos ng mga "nakakatakot na istatwa" ay isang magandang garden naman. May fountain na ang nasa gitna ay mixed fishes na naglalabas ng tubig. Marami rin iba't-ibang flowers at species ng plants. Pero ang pinakatawag pansin ay ang malaking building. Opo! Isang malaking building ang AFU at 4 lang ang courses, Broadcasting, Music, Education at Performing Arts.
At ngayon nasa 2nd gate na kami ng AFU... Ready to go...