^ Yup, AHEAD really simplifies things. Nagreview ako sa Ahead this summer, and at first, ang dami kong worries kasi may mga kilala ako na nagreview sa Expert Guides, LSC, and MSA, tapos ang dami nilang nadiscuss sa review na hindi na discuss sa Ahead. Yun pala, pinipili lang ng Ahead yung topics na maco-cover ng review - yung topics lang na most likely will appear in the actual entrance tests. And tama nga sila, when I took the UPCAT, wala naman masyadong Stoich na sobrang pinagtuunan pa ng atensyon ng mga taga Expert Guides last summer. Wala rin masyadong Physics problems. So in short, bakit ka pa magpapakahirap magreview ng topics na hindi naman mag-a-appear sa exams diba. Sabi nga ng teachers ko sa Ahead, wag mo ng lituhin ang sarili mo. Kung ano lang ang na sa review kit na binigay nila samin, yun nalang daw ang reviewhin.
Oh and one thing more, 6 times kayo magmo-mock test sa Ahead kaya sanay na sanay na kayong mag entrance test after ng review. Sobrang worth it kasi nadevelop yung speed ko sa pagsagot. Ü