Teentalk

Author Topic: Get Over You...----->I'm Sorry...<----- thanks readers.. luv u ol!  (Read 45139 times)

sweetie_gal_12

  • taffy
  • ***
  • Posts: 300
  • Karma: +2/-0
  • Im in despair!!!
    • www.sweetie_gal_12.com
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #30 on: March 23, 2006, 11:05:37 pm »
nxtie na po...wag mo po phirapan c Tyler...db fafable po xa...hehe....
♥~Don’t forget to look back from your past
Cause it’s the one that makes you stronger~♥

annoj120_mystic

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 506
  • Karma: +3/-6
  • :">
    • dA plz? :<
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #31 on: March 23, 2006, 11:42:45 pm »
Eto pa ung isang kadugtong!!! Hehe... hope u'll like ds!


Tyler’s POV

Kinakabahan na ako! Kasi naman, nakakatakot ang mga mata niya habang iniisip niya ang consequence! Pahihirapan niya ako! Lord, kunin niyo na po ako! Ayokong magdusa sa ilalim ng mga kamay ni Jenna! Heeelllppp!!!!!

Jenna: Aha!!!

Ako: *gulp* A-ano?

Jenna: Simple lang naman eh. Ang gagawin mo lang ay ang…

I can see the smug on her face! Nanlalamig na ako! Ay, sorry, OA ko na siguro. Pero katakot-takot naman talaga!

Ako: Ano na nga!


Jenna: Atat ka talaga no? O sige…. Ang gagawin mo lang ay ang…

Ano? ANO????

Jenna: Ililibre mo ako ng food.

Huh?  ???

Jenna: Nagugutom na kasi ako eh. Idagdag mo pa na pinaiyak mo ako, lalo tuloy akong nagutom.

Ahhh… ang sarap itanong na “Yun lang ba? Wala nang iba?” Eh tama ba naman yun! Sobrang takot na takot ako sa inakala kong mahirap na papagawin niya, yun pala, ililibre ko lang siya? Yun lang pala eh!

Bang!

Hoy, Tyler! Ang yabang mo ha! Magkano pa ba ang pera mo? Ang naaalala ko, may 550 pa ako sa wallet ko, ta. Buti na lang marami-rami pa ang ipon kong pera! Kaso... Ah! Bahala na nga!


Jenna: Bilis! Kumukulo na ang chan ko!

Ako: Opo Madam. San po ba tayo kakain?

Jenna: Sa Yellow Cab! Bilis na! Alis na tayo!

Ako: Opo na.

Kinuha ko na ang bag ko at yung gitara. Nung na sa harap na kami ng hagdanan,  bigla na lang siya tumigil sa paglalakad.


Jenna: Ahh… hindi ba tayo gagamit ng elevator?

Ako: Bakit? Ayaw mo mag hagdan?

Jenna: Hello! Ang haba kaya niyan! 10 floors po ang building na ito! Hindi ka talaga nag-iisip! ‘Tsaka para san pa ang elevator kung dir in gagamitin?

Ahhh… Hehe… Alam ko na…

Ako: Sus! Ang laki mong patpatin! Ako nga, every lunch time, nandito ako sa rooftop, at gumagamit ako lagi ng hagdan! Sabagay, sa figure mo pa lang, muka kang malnourished na bata! Ang payat mo kasi eh! Atsaka babae ka, baka hindi mo kayanin.


Jenna: Ang yabang mo tsong! Hindi ‘porket babae ako at ganito ang figure ko eh mahina ako! Gusto mo mag-race pa tayo pababa eh!

Ako: Wag na! Baka himatayin ka pa habang bumababa tayo! Ayokong madagdagan ang bubuhatin ko pababa.

Jenna: Sobra ka na! (pinapalo si Tyler sa braso) Naduduwag ka na naman kaya siguro ayaw mo mag-race tayo no? Duwag ka talaga!

Aba! Bukas siguro, punong-puno na ng pasa ang braso ko. Haay, totoo ang sinabi ko kanina. Na baka himatayin siya habang pababa kami ng building na ‘to. Pero, namimilit eh. Umaayaw naman ako lagi. Pero napapayag niya rin ako. *sigh* Wag naman sana siya himatayin mamaya!

Jenna: In the count of three ha! 1… 2… 3…

Tumakbo na kami parehas pababa ng hagdan. Ang daya! Ngayon ko lang yun na-realize! Kasi naman eh! May dala akong bag at gitara! Ang hirap tumakbo!

Nauna ako sa kanya nung nasa 9th, 8th, 7th, at 6th floor na kami. Pero hindi ko alam kung pano, pero naunahan niya ako bigla nung nsa 5th floor na kami. At hanggang ngayon, nasa 2nd floor na kami! Aba! Hindi ko alam kung anong espiritu ang pumasok sa katawan niya at bigla niya akong naunahan!  Pero si Tyler ay hindi pwedeng magpatalo sa isang patpatin! Hindi!

Ako: Ipis! (Sabay turo sa kinatatayuan ni Jenna)

Aba! Effective! Nung sinigaw ko yung ipis, bigla siyang huminto at nagtatalon sa takot! Natawa naman ako, as in sobrang lakas at naunahan ko rin siya sa wakas! Hehe… Ang galing ko talaga!

Isang step na lang sa hagdan…. Yes!!! And the winner is: Tyler Martinez!


Jenna: Isa kang malaking mandaraya Mr. Martinez! Ang daya mo! Daya daya daya DAYA MO!!!!!!

Ako: Fear it Ms. Samonte! Yeah! Panalo ako! Hey. Don’t be sad. At least you’ve proven na hindi ka mahihimatay kapag tinakbo mo ang building na ito using the stairs!

Jenna: Whatever! (pabulong) At sa ginawa mo, naghihiganti ako!

Aba! Ang aking ultra-ears ay narinig ang bulong ni Jenna! Hmmm… maghihiganti daw siya… tsk tsk tsk… Lagot ka Tyler!

Binugbog na naman niya ang braso ko, habang naglalakad kami palabas ng gate. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dun. Pano ba naman, ang ingay namin ni Jenna, tapos pawisan pa kami. Bahala sila sa buhay nila. Basta ang alam ko, lagot ako kay Jenna. *sigh*


Jenna: Ikaw ang pumila. Tawagin mo na lang ako kapag tayo na. Uupo lang ako dun.

Nasa Yellow Cab na kami, at mahaba ang pila. Nag-aantay ako sa pila ng mga, hmm… siguro, mga 15 minutes.

Cashier: Good afternoon sir, may I take your order?

Ako: Wait a sec… Jenna!

Pumunta na siya sa harap tabi ko at sobra akong nagulat. Gulat na gulat sa mga pinagsasabi niya. Bakit? Eto oh:


Jenna: Uhm, 1 new york’s finest, 10 inches. And 1 4 season 10 inches din po. For drinks, 3 iced tea.

Cashier: 1 new york’s finest, 10 inches, 1 4 seasons, 10 inches and 3 iced tea po. Anything else?

Jenna: Nope. That's all.

Cashier: That’s 552 pesos mam.

Jenna: Oih, yung bayad.


 :o

Sh*t… a big bulls***!!!! Langya! Ang dami nun! Sino kakain non? Siya lang? Ohhh… help me God…

Binuksan ko na ang wallet ko, at nanlaki ang mata ko, saktong 550 na lang ang natitira. 550… no more, no less…
S**T talaga!

Tyler: Ahh, Jenna. Kasi, ano… (Bumulong sa tenga ni Jenna) Kulang ng 2 pesos ang pera ko.


Jenna: (Nagpipigil ng tawa) oh, ano nang gagawin mo ngayon?

Tyler: Ano ba Jenna! Nakakahiya! Bilis, 2 pesos lang eh!

Jenna: Pano yung deal? Ililibre mo ako diba? I shouldn’t spend money.  :P

Tyler: Jenna!

Cashier: Uhm, mam, excuse me but marami pa pong tao ang naka pila. And please wag kayo magsigawan.

Tyler: Sorry. (Bumulong kay Jenna) Please…

Jenna: Fine… (kumuha ng 2 pesos sa bulsa)

Cashier: Thank you mam. We’ll just call your name for you to take your orders. What’s your name?

Tyler: Tyler Martinez.

Cashier: Thank you sir.

………………………………………
………………………………………
………………………………………

Blanko ang utak ko habang naglalakad kami papunta sa table namin. I’m in a big shock…

Ang dami niyang inorder! Ang dami dami! Huhu…

Tinawag na ang name ko for HER orders. At dahil ako ang alila, ako ang pumunta para kunin ang orders niya. *sigh* Kawawa naman ako.


Jenna: Salamat at makakakain na rin! Alam mo ba na 2 days na pala ako hindi kumakain? Grabe no?

Hindi pa rin ako umiimik. Blankong blanko ang aking brain. Kumain na siya, at alam niyo ba ang nangyari? Binigyan lang niya ako ng 2 slices ng pizza!!! Tig-isa sa 2 orders niya ng pizza. And to my surprise ulit, naubos niya ang lahat! Grabe, monster kumain! Pero natuwa ako na natakot. Natuwa ako kasi hindi siya yung babaeng pag kaharap ang lalaki, demure kumain. Siya hindi, total opposite. Kaso, natakot din ako kasi, tinupad niya ang sinabi niyang: “Maghihiganti ako!”

Oh well, I deserve it….

I think…  ???

Nasa labas na kami, nag-aantay ng jeep. Would you believe na ang anak ng may-ari ng school, nagco-commute lang pauwi? Isn’t it dangerous?


Jenna: Hello! Average teenager pa rin naman ako no! At yung daddy ko ang mayaman, hindi ako. So no harm done! Uy, ayan na ang jeep na sasakyan ko. Bye, and thank you for the merienda!


Ha? Merienda lang niya yun? Ang takaw niya para sa isang taong slim!

Pinanood ko siya hanggang sa umandar na ang jeep. At ako naman ay nakatayo pa rin, nag-iisip.

WALA NA AKONG PERA!!!!

How  can I go home?

No choice kundi ang maglakad pauwi. And it’s already quarter to 7…

Patay ako sa ermat ko…


End of Tyler's POV
I don't bite. I just punch.

multiply
plurk
deviantArt

yam_15

  • jellybean
  • **
  • Posts: 103
  • Karma: +0/-0
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #32 on: March 24, 2006, 06:26:39 am »
eeehhh ganda! nxt na poh!!! pls!

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4892
  • Karma: +252/-31
  • Happiness, Joy and Love- Somedaydream!
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #33 on: March 24, 2006, 10:42:33 am »
Kawawa ka naman Papa Tyler!!! He daya mo kasi... Yellow cab pa!!! Sus pano kaya siya makakauwi? Next na poh... Cute!!! ;)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

icqgirl

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 30
  • Karma: +0/-0
  • Uses Yahoo! Messenger
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #34 on: March 24, 2006, 11:31:10 pm »
Hanep, Jonna, ang dami mo nang fans! ;)

As usual, katanungan. =D

Nang nakuha na ni Tyler ang gitara niya, bakit pa siya tumabi kay Jenna? 'Di ba niya nararamdaman na sadista si Jenna at baka mapatay pa siya nito? ;P :)

Tsaka pala noong kumanta si Tyler, bakit nandoon pa ang buong lyrics ng kanta? Sana yung isang parte lang ng kanta ang kunin o kaya'y i-divide ito habang may nangyayaring iba. Pero okey lang!

Sige, hanggang dito na ako. Paalam! Sana dumami pa ang posts mo ngayong summer na! :>


annoj120_mystic

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 506
  • Karma: +3/-6
  • :">
    • dA plz? :<
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #35 on: March 27, 2006, 05:29:19 pm »
WWWaaaaaahhh!!!!  :o  :P  :-[  :-\  :'(

4giv me po at ngayon lang ulit ako nakapag-log in!  :-[

Kasi, bakasyon na kaya kadalasan nasa probinsya ako at hindi ako makapag-internet! :(

Huhu... ang lungkot talaga ng buhay ko pag bakasyon!!! :'(

Anyways, mag update ako mamaya ng story ko! :)

4give me ulit!!!  :-[

Miss u all!!!  :-*
I don't bite. I just punch.

multiply
plurk
deviantArt

kimitots06

  • Guest
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #36 on: March 27, 2006, 05:44:46 pm »
whoa!! :o :o :o :o :o :o  c jenna lng kumain lht nun?!  grbeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.. :o :o :o :o :o ..nkktkot nmn..ahehehe..bka me anaconda cia sa chan niyan ah..hehe..eh nxt npo sis!!  ang kulet ng story mo..hehe.. :D

bluestar29

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 828
  • Karma: +15/-3
  • i'll be alright..
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #37 on: March 27, 2006, 06:35:12 pm »
hala ka tyler!! pnu ka nyan uuwi!!! lagot ka sa ermat mo!!! hehe.... :P

annoj120_mystic

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 506
  • Karma: +3/-6
  • :">
    • dA plz? :<
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #38 on: March 27, 2006, 06:47:36 pm »
eto na poh ung next! sana magustuhan niyo! Post ur comments na lang po!



Jenna’s POV

Nakarating na rin ako sa bahay. Ususual, sinalubong ako ng katulong namin. Dinaanan ko lang sila, pero hindi na sa kanila bago yun. Sanay na sila sa asta kong yun.Ganun ko na talaga sila tratuhin. Sa bahay, kilala nila ako bilang isang mataray na senorita, pero mabait naman daw ako, hindi lang daw namamansin. Hindi ako ang nagsabi ng mga yun ha! Narinig ko yung mga katulong naming na pinag-uusapan ako sa kusina. Eavesdropping? Kinda…

Ate Edna: Jenna, tumawag kanina daddy mo.

Hmmm… Bakit kaya? Argh! Bakit pa ba ako nagtatanong? I think I know. You need to attend this and that, do this and that. *sigh* Nakakasawa na!

Ako: Ano na naman daw po ba?

Ate Edna: Jenna, ano ba. Daddy mo yun! Ikaw talagang bata ka.! Pinapasabi ng daddy mo na kailangan mo daw umattend ng reunion ng Samonte Clan. Hindi daw pwedeng umayaw.

Ako: *sigh* Figures. Natural, kailangan kong pumunta. Kailan ba ako umayaw sa mga utos niya?

Ate Edna: Ngayong Friday yun, semi-formal daw ang attire. Sige na, umakyat ka na at ipagluluto ka na naming. Ano ba ang gusto mo?

Ako: Ate Edna, hindi ako kakain ngayon. Busog pa kasi ako kasi kumain kami ng kaibigan ko eh.

Ate Edna: Ay naku bata ka! Sinabi mo na yan noon! Kahapon din, sinabi mo yan! Jenna, wag mo naming gutumin ang sarili mo! Nag-aalala na ako sayo!

Ako: Totoo po, kumain na po ako. Sige po, akyat na ako. Pagod na rin po kasi ako eh.

Ate Edna: Sige, akyat ka na. Magpahinga ka ha! Mukhang pagod ka eh. Kasi naman, bakit hindi ka na lang magpa-hatid sa driver mo! Hindi mo naman kailangan na mag-commute lang eh!

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko, tinanggal diretso ang sapatos, at humiga sa kama. Umiinit ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan ng daddy ko. Yup, ganun kalaki ang galit ko sa kanya. Nag-iba na talaga siya simula nung mawala si mommy sa pamilya namin. Lagi na siyang busy, nagpapakasawa sa pera. Naging selfish na siya! Oo nga’t tumatawag siya ditto sa bahay paminsan-minsan. Pero ngi isang beses, hindi niya ako kinamusta. Hindi niya ako magawang kausapin ng personal. Lagi na lang niya dinadaan kay Ate Edna ang mga gusto niyang sabihin sa akin. Ano yun, pass the message?
Si Ate Edna naman ang aking nanay-nanayan sa bahay. Kung baga, siya ang mayordoma ng bahay na ‘to. Mahal na mahal ko yan, at ayoko siyang mawala sa tabi ko. Kasi, pakiramdam ko, lahat na lang ng mahal ko sa buhay, kinunukuha ng Diyos sa akin.

Hmm… Natapos ko na ang seremonyas ko sa banyo habang nagku-kwento  ako sa inyo. Naka-pajamas na ako at ready to do my kaek-ekan.

Kinuha ko na ang bag ko, nilabas ang mga libro, at mag-aaral. Yup, nag-aaral ako ng todo-todo para lang mawala sa utak ko ang mga dilemmas ko. And dahil sa mga pinag-gagawa ko, natural ako ay naging isang honor student sa klase namin.

Nung tapos ko na ang assignments ko, sumbungan ko naman ang aking computer. Dito ako naglalabas ng sama ng loob. Nag-sususulat ako ng story ko sa internet. Natural unknown ang identity ko. Ang username ko? Jeen_ Jamn…Wala lang, share ko lang. Kilala ang story ko sa website na ‘to kasi alam nila na true to life ang story ditto. Yup, ang lovelife ko ang naka-sulat sa site na ito. Ang title ng story ko? “Get Over You”


….
……

Sana nga, I’ll get over you… Someday… Sooner…
I don't bite. I just punch.

multiply
plurk
deviantArt

annoj120_mystic

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 506
  • Karma: +3/-6
  • :">
    • dA plz? :<
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #39 on: March 27, 2006, 10:41:16 pm »
Hmmm... ito ung continuation! post ur comments nmn po...  :'( just wanna know wat u guyz think...  :P
sorry, nag-drama ang l0la... hehe... sna magustuhan nyo po!


Jenna’s POV

“Jenna”

"Sino yun? Asan ka?"

Sa isang iglap ko lang, nagbago ang lahat. Bumalik ako sa mga oras na iyon… Nandoon siya sa sahig, naka-higa… Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Hindi na! Diyos ko, tulungan niyo po siya! Wag niyo siyang kunin sakin! Diyos ko… tulungan niyo po siya… Parang awa niyo na po…


“J-Jenna… W-wag kang i-iiyak…”

Naghihingalo na siya… Pagkatapos… bigla na lang tumigil ang pagtibok na puso niya…

"Enzo!!!!"


KKrriiIIInnggg!!!

Napaupo ako bigla sa kama ko. Pinag-papawisan ako. Nanlalamig ako. May luha sa mga mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Paulit-ulit na lang ang mga panaginip kong iyon. Tuwing umaga, gigising ako ng parang may humahabol sa’kin at naghahabol ako ng hininga.

Tumingin ako sa salamin, tinitigan ko ang mga mata ko, ang tagal kong nakatayo sa harap ng salamin…

Ako: (pabulong) Kamusta ka na?

Tapos, bigla na lang ako ulit iiyak ng iiyak. Nakakapagod na. alam ko yun. Ayoko na nga umiyak eh, sobrang sawa na ako. Kaso, hindi ko mapag-sabihan ang mga mata ko na tumigil na sana sa pag-iyak.

Tumingin ako sa post it na nakadikit sa slamin ko. Napatingin ako sa isang post-it sa gilid ng salamin na may nakasulat na “It’s been a year. Yet you’re still crying over it. You need to move on…”

Tama, it’s been a year na. 3rd year pa lang ako nung nangyari ang mga ito. At kahapon ang death anniversary niya. Kaya nga gusto ko nang magpakamatay kahapon, kasi, mas masakit isipin na yung araw na yun ang araw kung kelan nawala siya. Kaya gusto kong yung araw rin na yun, mawawala na ako.

Kasi…

wala nang saysay ang buhay ko. Puro na lang kamalasan, lagi na lang akong nasasaktan. Nakakapagod na rin kasi na lagi na lang ako tanggap ng tanggap ng mga kamalasan sa buhay.


Ate Edna: Jenna! (kumakatok sa pinto) Bilis, mag-almusal ka na.

Nagising ulit ako sa aking pagdra-drama. Dumiretso na ako sa banyo, naligo, nagpatuyo ng buhok tapos tinali ko ng ponytail. Yung bangs ko, ganyan naman lagi yan eh. Nahuhulog na lang sa mukha ko, yan tuloy, napagkakamalan tuloy na ginagaya ko daw si Kitchie Nadal! Hindi naman eh!  Ganyan lang talaga ang style niya.

Nagbihis na ako ng uniform, sinuot ang necklace na minana ko pa from my mom, tapos yung favorite ko na bracelet. Kinuha ang bag ko at KAVOOM! Ready to go na ako.


Ate Edna: Oy, Jenna, wag ka muna umalis at maaga pa naman. Kumain ka muna at nagmumukha ka nang kalansay.

Ako: Ahh, Ate Edna, juice na lang po atsaka sandwich. Gusto ko po pumasok ng maaga ngayon.

Ate Edna: Oh sige, bahala ka na. Mas mabuti nang may kinain ka kaysa wala.

Ako: Bye po.

Nagco-commute lang ako papunta sa school. Ayun, nag-aantay ng jeep sa labas ng gate ng village namin. Mabilis lang ako nakasakay ng jeep at hopefully, hindi traffic.


Yana: Bruha, ang aga natin ha!

Ako: Kailan ba hindi?

Sinalubong ako ni Yana sa may gate, tapos naglakad papunta sa building namin.


Yana: Fine, ang aga-aga ang taray mo. Siya nga pala, bakit hindi ka pumunta kay Tita Sarah? Hinahanap ka niya kasi kagabi. Death anniversary pa naman ni…

Tumingin lang ako kay Yana, tapos, napayuko na lang.

Yana: Jenna, sorry, I didn’t mean too…

I need to change the topic…

Ako: Ok lang. Siya nga pala, may assignment ka na ba sa Physics?


Yana: Ay! Oo nga pala! I forgot! Shocks! Hey, ahh, Jenna…

Nakakatawa talaga itong babaeng ‘to! Ano pa ba ang gagawin ko? Ang bait ko talaga sa babaeng ‘to!

Ako: Sige na, I get your point. (Inabot ang physics notebook)


Yana: Yey! Thanks, you’re the best talaga!

“At sa aking pagkubli
Hampas ng araw pagdamdam ng gabi
Tulog ang iyong mga kamay
Di nako makapag antay

Isang umaga muling aahon
At sisikat sa mga panahon
Na tayong pang dalawa
Masayang pagsasama

Buong araw ng pag-agos
Kailan ang huling unos
Di alam kung tatakbo
Kusang lalayo sayo

Isang umaga muli ng pag-iisa
Walang mayakap at makasama
Pusong pilit na sinugatan
Landas kong karaniwan”

Nakikinig ako sa Ipod ko ng Pag-Agos ng Up Dharma Down. Wala kasing magawa eh, tapos ko na assignments ko, karamihan sa classmates ko, nag-aaral sa physics. Napag-hahalataan tuloy na hindi nag-aaral ang mga ‘to! Tsktsk…  :P

Napatingin na lang ako sa tabi kong bintana. Nakaupo kasi ako sa tabi ng bintana. Ang ganda kasi ng view eh, yung Botanical Garden namin. Ang bango-bango pa… Ang ganda… Kaso, may panira sa view eh. May katabi kasi kami na classroom sa building B. Tsktsk.. panira talaga ng view.

Pano ba naman, yung lalaki na nakaupo sa tabi ng bintana eh natutulog! Yung ulo niya, nakapatong sa bintana, tapos yung dalawa niyang kamay eh nakalabas sa bintana! Mukha tuloy siyang patay! Wahehe… Ang sarap niyang picturan!

Hmmmm… Why not?  ;D

Kinuha ko yung cellphone ko, tapos, naka-camera na. Zi-noom ko siya ng 100% at ayun! Klaro na yung picture! 1…2…3! Say cheese!  ;D

Bwahaha! Ang kulet! Pano ba naman, nung sinabi ko na say cheese, nagising siya bigla tapos nakatingin siya sa may side ko! Yan tuloy, napicturan ko siya ng nakatingin dito! Ang fwanget!!! Hehe…  :P  :D

Teka… He looks very familiar… those nose, the eyes, and the hair, bagsak kasi!

Gosh! I can’t be mistaken!

It’s him! It’s really him!

WoW!!! What a very nice coincidence!!!


End of Jenna’s POV


Post your comments na lang po!  ;)
I don't bite. I just punch.

multiply
plurk
deviantArt

bluestar29

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 828
  • Karma: +15/-3
  • i'll be alright..
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #40 on: March 28, 2006, 02:53:23 pm »
yey!! ako nauna..... danda poh!!! nxt na!!

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4892
  • Karma: +252/-31
  • Happiness, Joy and Love- Somedaydream!
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #41 on: March 28, 2006, 06:18:02 pm »
Ah kaya pala gusto niyang magpakamatay.. Hmm.. That's bad... Maybe Enzo is not really for Jenna.. I wonder kung sino yung napicturan niya? Si Papa Tyler ba? Next na poh.. Cute... ;) :)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

annoj120_mystic

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 506
  • Karma: +3/-6
  • :">
    • dA plz? :<
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #42 on: March 30, 2006, 10:31:29 am »
:) Mag-post po ako mamaya pro bago un, manonood muna kmi ng ice age 2!!!

wahaha!!! pag-uwi ko ng bahay, susulat ako mamaya!  ;D framis!

nywayz... post lng kau ng comments nyo...  :'( wanna know watcha think!  :-\

 ;D ty!!!
I don't bite. I just punch.

multiply
plurk
deviantArt

annoj120_mystic

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 506
  • Karma: +3/-6
  • :">
    • dA plz? :<
Re: Get Over You... my 1st story poh!!! pls. read... ^___^
« Reply #43 on: March 30, 2006, 09:28:16 pm »
E2 na po ung next! hope u lyk it! ^^;

Tyler’s POV

Hmmm… Weird… Nung pagdilat ko ng mata ko, parang nakita ko si Jenna na may hawak na something rectangular tapos nakatutok sa mukha ko. Argh! Nagpuyat pa kasi eh! Yan ang napapala mo! Namimilik mata lang naman ako for sure.

Yup, puyat po ako dahil hindi ako makatulog ng mabuti sa nightmares na nangyari sa akin! Isa pa sa mga rason ay may hinanap lang naman akong gamit na matagal-tagal ko nang hindi nagagamit. Nami-miss ko na kasi kaya napagisip-isipan kong gamitin ulit! Kanino? Hmm… Alam niyo naman siguro kung ano ang ibig-sabihin ko diba? Hehe…

Kaso, yun ay kung makita ko pa ulit siya… Ang laki naman kasi ng school na ‘to! Ang laki pa ng community… Tsktsk…

Actually, may isa pang rason kung bakit di ako nakatulog ng maaga. Si mommy kasi, pinarusahan ako dahil 9:50 na akong nakauwi ng bahay. Naglakad lang ba naman ako pauwi eh ang layo kaya ng school sa bahay! Hindi ko pa magamit cellphone ko dahil eksaktong nag empty bat! Hay buhay, parang life! Kaya pagdating ko ng bahay, si mommy at si daddy, pinagtulungan ako! Naligo ako sa sermon, hindi man lang ako makapg-explain kung anong nangyari! Sheesh!

Ang punishment lang naman eh ako yung pinaglinis ng kusina. Kasi, sobrang kalat! Argh! Saktong nag bake si mommy ng cake kaya yung flours na nakakalat, yung mga gamit na nakakakalat… *sigh* Ang malas ko talaga!

Hmmm… pansin ko lang. Masyado naman yatang late ang teacher namin! 7:45 na ha…

Tapos, biglang nagsalita yung principal sa speaker.


Principal: Students, the teachers have an emergency meeting right now. A very unfortunate thing happened today, so the class coordinators, please take over the class. And no loitering. Good day to everyone.

Ganun ba? Ang saya! Walang kaming klase sa Filipino! Whoo! Terror pa naman ni Ginang Ylla! We’re saved! Ano kaya yung nangyari?

Trick: ‘Tol!!!  ;D  :D  :P

Ay kabayo! Ano ba naman yan! Ang lalim ng iniisip ko, bigla na lang manggugulat! Nag-kape pa naman ako kaninang umaga!

Ako: Ano ba! Kung gusto mo ko patayin, wag naman sa heart attack!

Aba! Yung g*go! Tumawa pa ng malakas! Binatukan ko nga!


Trick: Aray! Sakit nun ha!

Ako: G*go ka eh! Ano ba yun?

Trick: May papakita lang sana ako sayo, kaso, ayaw mo naman ata. Sige, wag na nga lang.

Ako: Ulol! Ano ba yun? Ginulat-gulat mo ko tapos di mo rin naman pala ipapakita!

Tumingin sa akin yung mokong na may kasamang ngiting nakakaloko! Ano ba yan! Nakakairita!

Bigla niyang inabot sakin yung cellphone niya tapos nakalagay sa screen yung isang video na naka-stop. Play the video… At nanlaki ang mga mata ko…

S*it! Who did this?!

Nakunan ng video yung pagtalon ni Jenna sa building! P***ng i*a! !@#$ gumawa nito ha!

Ako: Trick! Kanino mo nakuha yung video na ‘to?!


Trick: Sa mga taga 2nd year na nasa building natin. ‘Tol, cool ka lang. hindi naman nakita mukha niyo eh.

Ako: Langya! Kahit na! Pano kapag kumalat ‘to sa school?

Trick: ‘Tol, too late. Kalat na siya sa building na ‘to. Mamayang recess lang, on process na yan. Posibleng makalabas pa ng school yan.

Ako: Ano?!

Nagtinginan sakin yung mga kaklase ko na parang may lumanding na spaceship sa harap nila! Pero wala akong paki! Bahala sila sa buhay nila!

Ang init ng dugo ko! Boiling point na nga ata! Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko! Ganito ako lagi kapag nanggagalaiti sa galit.

Biglang nagbukas ang pinto tapos pumasok na yung teacher namin sa computer.


Sir James: Goodmorning class. Sorry I’m late. Ok, get your book and notebook and proceed to the computer room.

Tumayo na ako at kinuha ang book at notebook ko. Palabas na sana ako ng classroom ng bigla nagtanong si Henry kay Sir James ng something interesting.

Sir James: Natural, yung meeting eh tugkol sa babaeng tumalon sa rooftop ng building D kaso di natuloy kasi---

Henry: Ahh sir, alam ko po yung video na yun. Meron nga po ako eh.

Sir James: Ano?! Meron ka?!

Hala, nagalit ata si Sir! Lagot ka Henry, daldal mo kasi eh!

Sir James: Pagkatapos ng klase, Bluetooth mo sakin yan ha! Ayaw kasi akong bigyan ng kopya eh! Curious lang ako!

Ha?! Humingi pa si Sir?! Grabe naman si Sir! Tsktsktsk… Bagets pa kasi eh, kaya ganyan kaloko!

Sir James: Balak ko sana tignan kung sino yung estudyanteng yan kaya I’m supposed to check the video. Kaso biglang dumating yung principal sa meeting ng teachers. Nagulat nga kami kasi ayaw niyang alamin pa namin kung sino yung estudyante. Basta daw ang importante ay hindi makalabas ng school yung video. Eh as if naman kaya pa naming pigilan ang pagkalat nun! Sus, scandal na ‘to ng school. Nakakahiya…

*sigh* Everything’s messed up. Ewan! Buti na lang yung principal niligtas si Jenna!

Teka, bat ba ako worried eh si Jenna naman ang mapapahamak? Hay naku! Kahit kelan talaga ikaw Tyler, ang lambot ng puso mo!

I want this day to end earlier! Kaso... ang daming pang nangyari... sobrang dami!!! Sumasakit lang ulo ko!  :'(



May cont pa po ito mamaya! Post ur comments po, masyado akong namromroblema kung itutuloy ko pa ba yung story ko!  :'(
I don't bite. I just punch.

multiply
plurk
deviantArt


 

Candy Blog

What We Love: Discovering New Spots
by: mimi, 2012-02-09
Over the weekend, my friends opened their donut shop named Gavino's Donuts at the newly...

Council of Cool Blog

Hidden Treasures
by: Kristine, 2012-02-09
Weekends are sparkling gems in the midst of the doldrums of school and academic requirements....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website