Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..  (Read 141 times)

seiyah25

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 21
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« on: December 25, 2009, 01:05:27 pm »
Perfectly UNPERFECT

“We found love in the midst of imperfection.”








   Minsan gusto ko ng mainis or worst magalit sa lahat ng author ngayon. Paano ba naman lage na lang SUPER PERFECT ng mga bidang lalaki at babae. Parang mga walang flaws, or kung may flaws man sila ehh hindi na napapansin kasi nga parang mga dyos at dyosa. Hindi kaya nila naiisip na WALA NG NAG-EEXIST na ganoong lalake at babae sa mundong ito? at kung meron man SAAN? NASAAN?

   Parang DREAM na lang lahat ng bidang lalake at babae ngayon. Wala na bang for REAL? Yung kaya namang maabot? Hindi yung parang tala lang na kahit talunin mo ehh hindi mo makukuha?

   Pwede bang yung bida hindi yung tipong MVP na sa basketball, Mr. Campus pa, tapos President pa ng student organization, tapos musically inclined pa, tapos matalino pa, tapos mayaman pa. Or kaya naman, cheerleader na, Ms. Campus pa, tapos matalino pa, tapos sexy at maganda pa, tapos sports minded pa, bastah mga tipong sobrang perfect.

   Pero sabagay hindi din naman kasalanan ng mga writers yun. Masyado lang talaga tayong naiinclined sa mga super gwapo at magagandang mga lead ng mga kwento. Na talagang minsan pinagpapray pa natin na sana, yung magiging partner natin as in yung magiging happily ever after natin ehh gwapo/maganda din.

   Kaya nga naiinis man ako, ehh well eto naghihintay pa din ako at nagdarasal ng isang prince charming na mamahalin ako. pero sige kahit na hindi na nga. Bastah wag lang yung horse ng night in shining armor ko. ::) :D

celinarawrcookies

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 83
  • Karma: +5/-0
  • Converse and cookies:)
    • Who am I?
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #1 on: December 26, 2009, 01:13:52 am »
I totally get your point. Haha. Love stories always have heart throbs and campus crushes. It's totally cliche. It's too perfect. I like it. Update :) I'm Celina by the way. Friends?
"Remember in kindergarten when you'd meet someone who's a total and complete stranger? Then you'd get to know them more and more everyday and soon she/he would be your best friend. Then before you know it, you have to say goodbye."

hugz_n_kissez

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 610
  • Karma: +93/-12
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #2 on: December 29, 2009, 12:08:18 am »
support ;)


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


♥2nd_vhie♥

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 50
  • Karma: +7/-0
  • TeenTalker
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #3 on: December 29, 2009, 07:21:18 pm »
hi :)..ang ganda nman ng prologue..haha ;D

support ko 'to ;)!...tracy nga pla here... ;) ;)
NBSB
BEWITCHED

MY ATE'S STORIES!!

ella.ella.ella

  • jellybean
  • **
  • Posts: 277
  • Karma: +15/-12
  • TeenTalker
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #4 on: December 29, 2009, 07:25:36 pm »
Hello sis. Ella here. Friends?

OMG. Your prologue totally rocks! I mean, totoo eh. Haha.

Anyways, diba dapat Imperfect hindi Unperfect? Naguguluhan sa Prefix eh. Sorry. :)

seiyah25

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 21
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #5 on: December 29, 2009, 11:43:45 pm »
yehey!! may readers na ako!!

celina, sure!! friends!! support mo po ito hanggang sa last ha?? umaandar pagiging isp-bata ko.. ::) salamat!

hugz, hello!! salamat sa support..

tracy, hi!! thank you po... salamat din sa support..

ella, sure FRIENDS!!... ahhmm may reason po yung title.. ahaha.. pero yep.. imperfect talaga yung word.. ahaha.. salamat sa support!!

yay sa inyong lahat.. at dahil may readers na ako.. meron na din update!! yehey!! pero boring ata itong chapter one.. wahhaa.. salamat pa din!!!




 
Chapter 1






“mommy, paglaki ko ang gusto ko yung kasing bait ni daddy, kasing gwapo niya, at matalino din!”

“aba naman anak! Panigurado yan. Sa ganda mo ba naman imposibleng walang kasing gwapo at kasing bait ng dad mo na maghahabol sa iyo.”


Nangingiti na lang ako everytime na maalala ko yung pag-uusap naming ng mom ko. marami na ang nagsasabi sa akin na I already have everything. Pero nginingitian ko lang sila. Kasi ang totoo something is missing, pero hindi ko din alam kung ano yun. At hindi ko din alam kung papaano ko malalaman kung ano yun.


   “cupcake, ano nanamang iniisip mo jan?” that’s my bestfriend

   “cupcake, naranasan mo na ba yung feeling na may kulang sa iyo, pero hindi mo alam kung anong kulang sa iyo?”

   “hhhmm... yeah minsan. Bakit?”

   “I think something’s missing kasi, pero hindi ko alam kung ano.” Haixt...

   “ay cupcake! Bongga! Parang alam ko na iyan! Tao ka na atlast! Kalandian ang kulang sa’yo!!”

   “cupcake, sapak gusto mo?”

   “hindi, pero sabi ko naman kasi sa iyo try mong magjowa no!”

   “magconcentrate ka na nga lang jan, wag mo na akong problemahin.”

   “naku bakla! Ako na nagsasabi sayo. Mag hanap ka na ng jowa!”

   “ewan ko sayo”



Nasa salon kami ng cupcake ko, a.k.a joycelyn or icie sa mga kaberks namin. Nagpapapedicure at manicure at kung anu-ano pa na ginagawa sa salon. Minsan talaga topak itong kausap ehh, walang matinong naisasagot. Puro jowa nalang iniisip.
   

“pero hindi nga cupcake, hindi ka ba nag-iisip na magkajowa? I mean kahit try lang? Ni fling wala ka. Boring ang buhay pag ganyan! Diba ate?” at talagang kinindatan pa si ate.

“naghanap ka pa ng kakampi mo, bruha!” natawa na lang sa amin si ate.

“well, I’m just stating the fact, and nothing’s wrong with it.”

“walang magandang maidudulot ang lalake sa buhay ko. oh tapos na ako, ikaw ba?”

   “finishing touch na, wag kang atat. Saan ba punta mo after nito?” Saan nga ba ako pupunta?

   “walang specific place. Tapos na kasi akong mag-aral so, ikaw may balak ka bang puntahan?”

   “well, punta lang ako sa party nung childhood friend ko. kakabalik lang niya from America, gusto mo sama ka na lang.”

   “hindi ba nakakahiya yun? Hindi naman ako kilala nung friend mo, tapos pupunta ako.”

   “hindi yun. Yun pa mabait kaya yun. Tsaka ang friend ko, friend na din niya. Ganun kami kaclose!”

   “mga what time ba?”

   “7pm, anu sama ka? Para hindi din sayang ang pagpapasalon mo nuh!”

   “kung hindi naman pala magagalit, so sige punta ako. I’ll bring my car, sunduin kita?”

   “hhmm pwede din, para wala akong gastos sa gasolina. Daanan mo na lang ako sa pad ko.”


After naming magpasalon, kumaen muna kami sa sbarro, then we bid our goodbye’s para makapagready sa party mamaya. It’s a welcome party para nga daw doon sa childhood friend ni cupcake. Wala naman daw motif bastah sabi niya wear something simple yet elegant. And sabi ni cupcake halos lahat ng invited eh kaage namin. And for sure mageenjoy daw ako.


Pagdating ko sa house namin, sinalubong agad ako ng mom ko. well nagpaalam lang ako and pinayagan din naman ako. may lakad din daw kasi sila ni dad and buti naman daw at lalabas ako ng bahay.


“sayang naman ang ganda mo anak, kung itatago mo lang sa apat na sulok ng bahay natin. Hayaan mo namang sumaya ang mga kalalakihan sa mundo!”


That’s my mom. Minsan may pagkabaliw din, I guess hindi tama ang decision ko na ipakilala si cupcake sa kanya. Nahawaan na ata.


At exactly 6 ready na ako for the party. Katulad ng sinabi ni cupcake, I wore something simple yet elegant. Actually elegant na siya para sa akin. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa dress pero marami ako nun sa wardrobe ko. paano kasi unica hija, ayaw ni mommy na inuulit ko yung mga damit ko. Siya yung super hilig mag shopping para sa akin. Ginawa pa akong Barbie ng mom ko nuh? Cinurl ko yung buhok ko para na din bumagay sa dress ko. Nagapply ng powder and lip gloss, plus the accessories and then sandals. Then I am off to go.


Hindi naman masyadong malayo ang condo ni cupcake sa house namin. Inagahan ko lang talaga kasi baka malayo yung venue ng party. Tinext ko lang siya na maghintay sa labas at ayoko ng umakyat para makaalis na din kami. And hindi naman ako nadisappoint paano, masunurin ata ang bruha. As expected kay cupcake, she always look gorgeous pagdating sa mga ganito. While me? Plain and simple as described by her.


   “bakit ba kasi ayaw mung umakyat muna sa taas??” eto kakasakay lang reklamo agad ang bungad!

   “ehh tinatamad ako nuh, tsaka para matapos na din itong gabing ito.”

   “hindi pa nga nagsisimula, tinatapos mo na. Kate im sure mageenjoy ka tonight.”

   “ilang beses mo na bang sinabi yan?”

   “well, I’m sure with this.”

   “fine. saan ba ang place?”


Ayoko ng makipagdiskuyon kay icie. Promise ilang beses na niyang sinabi na mageenjoy ako, pero at the end of the night. Messed up lage! Kaya minsan ayoko ng mga parties, pero dahil bored na din ako sa bahay namin, edi sumama na lang.


Dumating kami ni icie sa place past 7 na. And for a party na dinadaluhan ng mga kabataan, well maaga pa nga ang party na ito. Pero hindi din naman pala kasi pure teenagers ang nandito, may mga middle-aged din. Marami-rami din ang bisita nung childhood friend ni ice. Actually out of place ako lahat ng nasa paligid ko may kausap, ako lang ang wala. Tama ba naman kasing iwan ako ng nag-iisa? Alam naman niyang hinila lang niya ako dito?


   “hi, have we met before?” hindi. Yan yung unang pumasok sa isip ko, pero hindi ko nasabi. Hindi ko alam pero parang nawala sa rhythm yung pagtibok ng puso ko.

   “excuse me? Ahhmm-“ shet! Bakit ko ba siya tinititigan. Nakakahiya.

   “ahmm.. I’m sorry. But I don’t think we’ve met before.” Wuuhh!! I think that’s enough to save me.

   “I see, well you looked familiar. By the way I’m ethan matthew. You are?”

   “Kaitlyn, kate for short.”

   “nice to meet you katie” Tapos yung kamay niya gusting makipag-shake hands... well, paano ba naman ako tatanggi?

   “nice to meet you too”

   “are you enjoying the party?” ngayong dumating ka? Syempre oo.. yan ung gusto kong sabihin. Pero bakit naman?

   “Nope. Not really, wala kasi akong kilala dito, except sa bestfriend ko na iniwan ako sa ere, just to mingle with her other friends.” icie, asan ka na ba???

   “may i know who’s your bestfriend?” ‘bat naman?

   “joycielyn well icie-“



   “ETHAN MEH LABS!!!!”



well sino pa ba ang may kaya na gumawa ng ganyang eksena?? Syempre si ICIE lang! Grabeh nakatingin sa kanya yung mga guest.. tughs!

   “here goes my bestfriend.”

   “ice! How are yah?” magkakilala sila?? Tongaks! Syempre! Utak kate... utak..>.<

   “I’m doing great! Mhen! I missed you!”

   “I missed you too. Life is too boring without a clown like you!” nagpigil akong tumawa nung marinig ko yun... well, totoo din naman kasi siya, pag kasama mo si ice no dull moments!

   “mhen! kung clown ako ako na ang pinakabonggacious na clown sa buong mundo! You haven’t change. But at least you missed me!” at ang lola mo, tsaka lang ako napansin.

“So you’ve met my bestie”

   “ahh, yup. I’ve seen her from the balcony, she doesn’t look like she’s enjoying my party.”

   “Well I expect her not to. After all she’s not a party buddy.” anung you expect me not to enjoy this party?? Ehh parang kanina lang nagpromise ka pa na ieenjoy ko to! Bruhang toh..

   “hoi bruha! Paano ko naman ieenjoy ‘to ehh wala naman akong kilala. At tama bang iwan mo ako sa ere.”

   “ou nga naman ice, atsaka hindi mo dapat bastah iniiwan ang kaibigan mo. Kilala mo ang mga lalaki na nandito sa party ko.”

   “nagtatagalog ka??” >.< ampf! Dapat sa isipan ko lang yun... Tinawanan ako ng dalawa, ampf! Paano ko ba namang iisipin na nagtatagalog siya, ehh ang ganda ng accent ng loko.

   “syempre, may dugong pinoy ata ito.” ^.- nagulat ako dun sa pagkindat niya.

   “hoy! Ethan Matthew! (sabay batok ni ice) wag mung daanin sa kindat-kindat mo yang bestfriend ko. dahil hindi mo yan madadaan diyan. At wag mong isama sa mga collection mo yan.”


That’s it, isa sa mga dapat itatak sa utak nating mga babae. Na kung hindi lahat, ehh halos lahat ng lalake ehh mga PLAYBOY. He looked perfect. Masculine and all. Nasabi ko ba na ang ganda ni ethan? Wag kayong magulat, hindi kasi sapat yung gwapo ehh. Kaya ang ganda niya. Pero tsk playboy.


   “Well, I did change.” Ngayon?

   “type mo bestie ko?” >.< ampf! Ako nga pala pinag-uusapan nila. Lintaya! Ang pranka ever nitong si cupcake.

   “Why not? She’s gorgeous.” ^.- nagwink nanaman ang loko. Anu daw?? Pakiulit nga?? Parang nabingi ako?? ako?? gorgeous?? As in maganda??  Hey hey kate! PLAYBOY yang nasa harap mo.

   “naku ethan! Wala ka sa states! Nasa pilipinas ka. Wag mung daanin sa kindat-kindat at pasintabi mo ang bestie ko. mataas standards niyan. At hindi yan pumapatol sa playboy.” Ako ang pinaguusapan dibah? Pero hindi ako makasingit sa kanila.

   “uhmm.. excuse me? Ako pinaguusapan niyo dibah? Naririnig ko ehh..” naggesture pa ako na pinakita ko yung ears ko...

   “naririnig mo naman pala cupcake, tinatanung mo pa.” With that tumawa talaga si ethan.

   “ehh panong hindi ko maririnig, ehh paguusapan niyo na lang ako, sa harap ko pa.”

   “But I’m serious katie, you’re beautiful.”





hugz_n_kissez

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 610
  • Karma: +93/-12
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #6 on: December 30, 2009, 12:10:52 am »
yayyed you back sis. ahahaha.. apnea ba ang nangyare? ahaha.. apnea ba o dyspnea? toinks.. naguluhan ehh no.. ahha.. epekto ng bakasyon.. tama bang kalimutan ang mga inaral.. owell.. bakla ba si icie? o babaeng bakla?? wahaha.. kaloka! ok naman ang update.. next na agad!

EDIT!!!

ayan dahil nakatulog na ako.. apnea yun.. ahahah.. toinks.. dyspnea sa breathing.. ahaha.. kaloka.. owell.. UPDATE NA!!
« Last Edit: December 30, 2009, 08:03:30 am by hugz_n_kissez »


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


seiyah25

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 21
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #7 on: December 30, 2009, 08:39:28 am »
Hugz, antagalang inedit mo pa.. ahaha... pero not basically apnea.. ahmm nawala sa rhythm ehh.. so pwede ding bumilis, bumagal or nawala nga.. ahaha.. si ice? Hindi siya bakla.. pero sige pwede na siyang BABAENG BAKLA... ahahaa.. salamat!! Yay!! Eto na chapter 2!!





Chapter 2





“but I’m serious katie, you’re beautiful.”

“but I’m serious katie, you’re beautiful.”

“but I’m serious katie, you’re beautiful.”


Darn! Madaling araw na at hindi pa din ako makatulog. Dahil lang sa sinabi ng bwisit na ethan na iyon. at kelan pa kami naging close para tawagin niya akong Katie?? Oo na he’s handsome, mukha namang matalino, pero babaero ehh! After niyang sabihin yun. Shocks! I swear! Nakakadiri yung nangyare. Biruin mo ba namang may bigla na lang humatak sa kanya na girl. At as in hinalikan talaga siya sa lips as in with the tongue pa. Geez!! Ang sarap sabihing get a room!


   “I missed you babe” eww jowa niya yun?

   “errr... ces, you’re making a scene”

   “ces? Who’s ces?” toinks.. natawa ako doon promise... hindi niya alam yung pangalan nung girl? O hindi niya maalala sa dami ng babae niya? Nararamdaman ko ang trouble...

   “uhmm I mean rhia?” togodoinks! Nanghuhula si kuya! Basang-basa mo sa boses niya na nanghuhula lang siya.

   “darn it! I’m not ces nor rhia! It’s jes ethan! It’s jes!” sinampal nung jes si ethan bago siya umalis. Darn! Sa dami ng babae niya hindi niya maalala mga pangalan. At napagaya pa talaga ako dun sa pagkakasabi nung jes ng DARN! Ahaha.. ::)

   “Bro, serves you right.” Tapos tinapik pa ni ice yung shoulder ni ethan... habang tumatawa.

   “What? Sa hindi ko talaga siya matandaan ehh. Ni hindi ko nga maalala kung naging girlfriend ko ba yun o kung saan ko siya na meet.” Huh?? Nakakaloko. Playboy! Tsktsk

   “ahahha... yan napapala mo sa pagiging playboy mo” tama ka jan ice!

   “ampf!  Chansing yun!” chansing?? Eeww!!

   “kapal mo dude! Chansing pa yun ha?? Ehh kulang na lang ikama mo...” pranka ever talaga si ice. kilabutan!


Nakita mo yung nangyare kagabe sa party kate. Yung lalakeng yun ba yung iniisip mo? Yung playboy na yun? Pwede ba kate? He’s a total waste of time! Alalahanin mo nga yung pinagusapan niyo ng mom mo...


“mommy, paglaki ko ang gusto ko yung kasing bait ni daddy, kasing gwapo niya, at matalino din!”

“aba naman anak! Panigurado yan. Sa ganda mo ba naman imposibleng walang kasing gwapo at kasing bait ng dad mo na maghahabol sa iyo.”


oo na he’s handsome, and sige as for your observation mukha namang matalino. Pero hindi siya mabait! Mabait lang siya para mapanatag ang loob ng babae sa kanya! Para makachansing! So stop thinking about that freaking guy! He’s not worth-it of your time. So matulog ka na ng mahimbing, at wag mong pagaksayahan ang lalake na yun.


Ewan ko kung matatawag ko ba na mahimbing na tulog yun kung sa panaginip ko ehh mukha nung unggoy na ethan ang nakikita ko. hindi daw ako tinantanan ng loko at nagpapadala pa ng flowers everday. Ang masaklap boto si mommy at daddy sa kanya! Kilabutan!

“Isa kang nightmare ethan!”

“bestie, hanggang panaginip ba naman ethan pa din? Atsaka kung siya man ang napanaginipan mo. Best nightmare yun! Playboy lang ang loko, pero hot fafa yun!.”


Nga pala ginabi na kami kagabi kaya eto si cupcake, sa bahay naming nakitulog. Ang masaklap nagyaya pang manuod ng movies kagabi. Ayaw pang matulog sa mga guest rooms namin. Malaki naman daw ang kwarto ko at kama ko kaya makikitabi na lang daw siya.


   “cupcake, nasan ang hot fafa dun? Tsaka huwag mong nila-lang yung pagiging playboy niya. Kasi he’s the worst playboy na nakilala ko sa tanan ng buhay ko. biruin mo hinalikan na niya at lahat yung babae, hindi naman niya alam kung kilala niya.he’s a dork!”

   “ahaha... marami ng nangyare na ganoon. Actually, naniniwala ako na chansing ang bruha. Kasi lahat naman ng naging kafling ni ethan nakita ko sa personal or picture. Pero hindi niya pinapakilala sa akin. Kahit naman kasi nagpunta yun ng America, hindi nawala ang communication naming dalawa.”

   “awww ang sweet. Now I know kung bakit mo pinagtatanggol ang loko. You like him! or do you love him??” isang malakas na batok ang natanggap ko after kong sabihin yun.

   “Ikaw na ang pinakashunganga na matalino na kilala ko. He’s like a brother to me, and for heaven’s sake! Parang hindi mo naman alam kung kaninu ako inlove.” Sabi ko nga...>.<

   “fine... una na ako sa’yo sa cr. Well marami namang cr dito sa bahay. Ikaw na lang bahala. Basta ako dito ako sa cr ko.”


Ano namang meaning ng sinabi ni ice na hindi niya pinapakilala sa kanya? Ibig sabihin pag nagpakilala siya seryoso na ganoon? Tsaka bakit ko ba iniisip yung lintaya na yun? Argh!! Bilisan mo na lang kumilos at nagaalboroto na mga alaga mo sa tyan kate!

Nagbihis na ako ng usual na bihis ng isang kaitlyn mendez. Nasa stairs pa lang ako rinig na rinig na ang tawanan nila mommy, daddy at ice. Tama nga si ethan she’s a clown.“ethan nanaman??” ehh bigla-bigla na lang pumasok ehh, kasalanan ko bah?


   “Morning mom... Morning dad.”

   “How’s the party yesterday iha? Ayaw kasing magkwento ni ice tungkol sa nangyare kahapon. Ano may nabighani ba sa unica hija ko?” nanay ko talaga... hindi ko alam kung binebenta ba niya ako oh anu.

   “tigilan mo yang anak mo Katherine. Mabuti nga at sa bahay lang siya lage, kesa naman maloko ng kung sinung walang magawa sa buhay.” Iyan ang dad ko ^.^

   “Don’t be too protective leonard. She’s not a child anymore.”

   “Still she’s my baby.” Awww yun naman yun daddy ehh!

   “kaya labs na labs kita dad ehh... tama naman si daddy mom. Sa dami ng manloloko sa mundo, mahirap ng magtiwala noh. Tulad na lang ni-” mhen! dapat sa utak ko lang un ehh..

   “tulad ni ethan!” she should learn when to shut her mouth! Gahd!!

   “baby, who’s ethan??” ayan na ang mga tanung ng tatay ko. at talagang nakatingin sila sa aking tatlo, na parang anytime eh gera pag hindi ako sumagot. Lintaya ka ice!!

   “well tito siya po yung may party na friend ko kahapon and base sa pagkakatingin ni ethan kay kate kagabe, he looked interested with you daughter. And from what I see kay kate-“ pinutol ng bruha at tumingin sa akin, tinitigan ko ng parang sinesentensyahan ko ang buhay niya kung hindi siya mananahimik.

   “Well kate is kate. She’s not interested, not even a bit even ethan is a hunk!” good bestie... good.

   “I’m not interested because he’s a total waste of time. He’s not a hunk, he’s a dork. Who kisses someone that he doesn’t recognize.

   “I see. Well let’s not waste our time, let’s eat.” Galing mag-iba ng topic ng dad ko, Ayos!




enitsujnna

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2854
  • Karma: +53/-10
  • **run away with me.
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #8 on: December 30, 2009, 11:14:27 am »
new reader po .. ann here .. :)
SouLkiLLer
^click^

hugz_n_kissez

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 610
  • Karma: +93/-12
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: PERFECTLY UNPERFECT.. NEW STORY.. NEED READERS..
« Reply #9 on: December 30, 2009, 07:41:54 pm »
ahaha ou nga nuh.. toinks.. nice.. pareha kami babaeng bakla! ahhaa.. kidding.. pachansing ako ethan!! ahaha.. natawa ako dun sa.. kulang na lang ikama mo.. ahaha ;D ganun ba kalala yung pagkakahalik?!? wahha.. keep rockin!


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


 

Advertisement