Hello, guest!

Not yet a member? Register here

COC Blog

Trying a New Track

June 24, 2008 at 11:33 pm | by gela | In Reflections, Relationships |
Tags: ,

Today, our Filipino teacher returned the essay we wrote last week. SP has pretty high standards, so I was nothing short of ecstatic when he told me he liked what I’d written. I strayed from my usual style of writing, and I wasn’t sure if the new perspective I tried would sit well with him. My old essay style was very deep, dramatic, and serious. I decided to take a cue from my only Filipino writer idol, Bob Ong, and to write in a light, humorous, sarcastic way but still get valid and important points across. Anyway, the essay is in Tagalog, but I still want to share it here.=) Constructive criticism would be welcome, by the way. Hint hint! Haha! Edited to bring the mature language rating down.

PAKSA: MASARAP, MASAKIT UMIBIG. (kaugnay ng tekstong Sayaw sa Kalipay)
4 talata, 10 pangungusap/talata.

MASARAP, MASAKIT UMIBIG.
—R.A.V. Bambao, IV-Manganese

Grade 4: Unang beses kong “mainlab” sa pambatang paraan.
Grade 5: Unang beses kong maranasan ang break-up sa pambatang paraan.
Grade 6: Mga crush ko puro walang direksyong lalaki.
First Year: Malakas ang tama (crush lang) sa isang delingkwente.
Second Year: Nagmahal, pers taym. Naranasan ang break-up na seryoso, pers taym. Lampas apat na linggong palaboy-laboy na parang kaluluwang ligaw na tulong-tulo ang luha at sipon.
Third Year: Napipikon na sa mga lalaking walang direksyon.
Fourth Year: Natauhan (nadulas yata sa banyo at nabagok ang ulo sa inidoro) at nagpasyang tama na muna ang kalandiansi D (as in Draco Malfoy) at ang mga kapatid ko na lang ang magiging lalaki sa buhay ko.
Ang punto ng lahat ng ito ay…ahh, ano nga ba? Ah, yun! Hindi madaling pasukin ang mundo ng mga umiibig. Napapaisip ngayon ako kung bakit patuloy itong hinahangad ng mga tao.
Kailanman ay ‘di nangahulugang walang-hanggang ligaya ang pagmamahal. Walang sinuman ang nagmahal na di nasasaktan. Sa parehong paraan, ang pagmamahal ay kailanmang di nangahulugang walang-hanggang sakit. Lahat ng nagmamahal ay nakakaranas ng saya. Ganoon ang pag-ibig, isang ngiti katumbas ng isang daang luha. Magkasama yan, parang package deal. “Buy One, Take One.” Kumbaga, hinalikan ka sa isang pisngi tapos sinampal sa kabila. Wala kang magawa kundi ang tanggapin pareho, dahil yun ang pagmamahal. Sabi nga ng magandang, mestiza at sexy naming titser, “Love is sacrifice.” *kakaway si SP na mala-Precious Lara Quigaman.*

Tulad ng lahat ng bagay, balanse ang kailangan. Hindi naman pwedeng naliligo ka lang sa sampal, at hindi rin pwedeng naliligo ka sa halik. Pero kung gusto mo, okey lang din, para tipid sa tubig. Masarap ang buhay ng may minamahal na mahal ka rin. Sa unang text pa lang niya nagsisimula ang araw mo, nagnanakawan kayo ng litrato sa Friendster/Multiply/Photobucket/Philippine Daily Inquirer/Most Wanted List, pinagdudugtong mo na ang pangalan ninyo at pasimple o pabulgaran kayong nagsiswitams sa isa’t isa. Yun nga lang, kung ano ang pagmamahal na ipinakita mo, katumbas nito ang pagkasawi kung sakaling maglaho ito. Dito papasok ang pagiging tulala, ang pagkain ng dram-dram na ice cream, ang paglaslas, pagbitay, paghostage ng mga babae sa bus, pag-inom ng lason atbp. Kung abot-langit ang ligaya kapag nagmahal ka, pakiramdam mo namang mas masahol pa sa impyerno ang binagsakan mo kapag hiniwalayan ka ng jowabelle mo. Para sa’kin ay hindi ako takot magmahal. Takot akong masaktan (muli). Hindi kaya biro ang maging tanga!

Para tapusin ang litanya ko, hindi para sa mahihina ang pag-ibig. Pero kung tutuusin, hindi naman tatagal ang isang tao kung hindi siya magiging matatag. Mapipilitan siyang tigasan ang dibdib niya sa ganitong klaseng buhay, kung sa’n salit-salit o minsan pa nga’y sabay-sabay ang iyak at tawa. Mag-ingat ka na lang dahil hindi tatanggapin sa mental ang rason mong “Hindi po ako baliw, inlab lang!” Ang pag-ibig ay parang pag-untog ng ulo sa pader ng paulit-ulit. Masakit pero maya-maya, masarap na rin. At malamang sa mental ka na din pupulitin. Siguradong hindi ko mamemeet ang sampung pangungusap dito. Okey lang yun dahil naparating ko naman ang nais ko sabihin. At inuulit ko, pagdating sa masarap-masakit-nakakabaliw-nakakalurkey na pag-ibig, mag-ingat ka.

So there you have it folks.=) You be the judge if I’m any better at Tagalog than English. Haha!

I’d like to hear about your writing exploits in the classroom, too! Share your blessings.=P

By the way, I wanna say it again, BEING A SENIOR RRRULES!

Muchlove,
G.

Leave a Reply

Advertisement