Candy Feels
Candy Reader Poetry: Tayong Dalawa
Wala na bang huling pagkakataon para sa tayo?
PHOTO Star Cinema ART Clare Magno

Hindi ko alam kung saan magsisimula
Hindi ko alam kung saan nagtatapos ang lahat
Kung paanong natapos ang masasayang alaala

Isang araw, nag-usap tayong dalawa
Ramdam kong iyon na ang katapusan
Ngunit umasa akong hindi magwawakas
Hanggang binigkas mo ang mga salitang "tama na", "ayoko na", at "tapos na"
Nakita ko sa iyong mga mata ang kagustuhan mong lumaya
Samantalang ako, nandirito, nakakapit pa

Tinanong kita,
"Bakit nawala ang tayo? Bakit ang natira na lang ay ikaw at ako?
Bakit nagpasya kang hindi ako kasama?"

Hindi ko alam kung saan muling magsisimula
Hindi ko alam kung saan magtatapos ang lahat
Kung saan na tapos ang masasayang alaala

Hindi ba sapat 'yung ako para mabuo 'yung tayo?
Kulang ba ang pagmamahal ko para mabuo tayo?
Hindi ba sapat ang pagtanggap, pag-unawa, pagpapasensya, paglaban, pagkapit para mabuo tayo?

Alam ko, mahal, marami akong nagawang mali
Maling pagtanggap, maling pag-unawa, maling pagpapasensya, maling paglaban
Pero ikaw rin naman, hindi ba?
Mga maling binigyan ko ng pagkakataon para sa tayo

Bakit hindi mo nabigyan ng pagkakataon ang tayo?
'Yung mabuo pa 'yung natitira sa pinangghahawakan kong tayo
Sa pinaghahawakan kong baka mahal mo pa ako.

your REACTION
OMG

11

CUTE

4

HEART

4

YAY

1

BOO

0

EWW

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
It has something to do with 'Abstain Nation'
 
x
Share
 
x
Share
Using materials that are readily available at home!
 
x
Share
Winter is here, but it's very much worth catching up on the earlier seasons of Game of Thrones.
 
x
Share
 
x
Share
 
x
Share
 
x
Share
Plus, how you can score free movie tickets, Game of Thrones cake, Instagram inspiration, and more!
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US