Candy Feels
Candy Reader Poetry: Sana Ako Naman
Sulat mula sa taong umaasa sa nagmamahal ng iba.
PHOTO Pioneer Films ART Clare Magno

"Ang ganda niya, 'no?"
'Yan ang lagi kong naririnig sa'yo.
Maliban sa kanyang pangalan
na lagi mong sinusulat o binabanggit.

Nagsasawa na nga ako, e.
Nagsasawa na akong marinig ang pangalan niya.
Nagsasawa na rin akong masaktan at umasa.

Alam mo bang gusto kita?
Kaya ako nasasaktan at umaasa?
Pero siya lang ang laging nasa isip mo.
Minsan, sana ako ri'y pansinin mo.

Maganda rin naman ako.
'Di nga lang singganda niya.
Pero may kaya akong gawin
Na 'di niya kayang gawi kailanman.

Ngunit nalimutan kong
May kaya rin pala siyang gawin
Na kailanma'y 'di ko kakayanin.

Sana pagdating ng araw,
akin naman ang bigkasin mong pangalan.
Sana pagdating ng araw,
Pangalan ko naman ang iyong isulat at banggitin.

Wag kang mag-alala,
Maghihintay akong dumating ang araw na 'yun.

your REACTION
HEART

33

CUTE

9

OMG

7

YAY

7

EWW

2

BOO

1

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
It's even inspired by your favorite celebrities!
 
x
Share
Plus, his really vague answer as to why he cancelled his tour.
 
x
Share
Students react to class suspensions (or the lack thereof).
 
x
Share
Overthinking in its most fashionable form.
 
x
Share
"You need to lower your standards," they said.
 
x
Share
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US