Candy Feels
Candy Reader Poetry: Kapag Dumating ang Tamang Panahon Para sa Ating Dalawa
Para sa mga taong nagmamahal at naghihitay na mahalin rin.
PHOTO Unsplash

Siya:
Ikaw ang hinihintay ng puso kong sawi.
Humihikbi, umaasang may magmamahal muli.
Ikaw ang kailangan ng puso kong ito.
Ligaya, pag-asa ang sana'y dala mo.

Ako:
Pero, mahal, hindi ko makuha ang puso mong naghihintay.
Pahirin man ang luha mo'y baka hindi makuha ang pagmamahal. 
Sana ako nga ang kailangan at bubuo ng puso mong sawi.
Ligaya, handa ko itong ibigay kapag ako na ang magiging dahilan ng iyong pagngiti.

Siya:
Sana'y pagbigyan na aking mahagkan.
Kahit isang beses lang ako ay pakinggan.
Sana'y ikaw ay maging akin.
Ang buhay na magulo ay lumigaya rin. 

Ako:
Hahagkan kita
Hanggang sa mawala ang masasakit na alaalang dulot niya.
Naririnig kita.
At gusto kong punan ang puwang na iniwan niya.
Gusto mo ba akong maging iyo?
O magiging iyo lang ako dahil ako ang unang nagkagusto sa iyo?
Sinta, ako ba talaga ang magbibigay ng kaligayahan na hanap mo sa tuwina.

Siya
Hindi ko ninanais na humanap pa ng iba. 
Sapagkat ikaw lang ang nais ko sa tuwina. 
Sakit na idinulot ng iba ay nilimot ko na. 
Dahil panibagong alaala sa iyo ay nais matamasa. 
Patuloy na maghihintay na ako ay iyong mapansin.
Dahil ikaw ang babaeng aking dalangin.

Ako:
Hinihintay kong maghilom ang mga sugat na naglagi sa puso mo.

Siya:
Handa na akong magmahal, ikaw lamang ang hinihintay ko.

Ako
Mahal, gusto kong mahalin mo ako hindi tulad ng inilaan mo sa kanya. 

Siya:
Mamahalin kita at alam kong iba ang isinulat na kwento ng tadhana.

Siya at ako:
Mahal kita, at handa akong maghintay hanggang sa tama na ang panahon para sa ating dalawa. 

your REACTION
HEART

7

BOO

0

CUTE

0

EWW

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Here's a short list of places you can go to when you need to get away from everything.
 
x
Share
 
x
Share
This is the other side of relationships that you don't see on screens.
 
x
Share
We can hardly wait for these new shows and returning favorites.
 
x
Share
For all those who are drowning in school requirements, this is all for you. We will get there. Surely.
 
x
Share
And the only ones you need to cop.
 
x
Share
Let these celebs inspire you to go bare face or opt for a washed look from time to time.
 
x
Share
 
x
Share
A fashion blogger's cheat sheet for stylish poses you can easily copy.
LOAD MORE ARTICLES