Candy Feels
Candy Reader Poetry: Gusto Kita Pero ang Oras Ay Tila Ayaw Sa Ating Dalawa
Laging may 'di pwede para magkaroon ng tayo
PHOTO ABS-CBN

Gusto natin ang isa't isa,
Pero ang oras, tila ayaw sa ating dalawa.
Gusto natin ang isa't isa
Pero ang tadhana, hindi sa atin nakataya.
Parating hindi magtagpo,
Mga buhay nati'y wala sa tyempo.
Minsan ikaw, minsan ako—
Laging may 'di pwede para magkaroon ng tayo

Pero...

Gusto nga ba natin ang isa't isa?
Siguro oo, ngunit malinaw na kulang pa.
Dahil kung sapat nga ang nadarama,
Sana noon pa tayo'y sumubok na, hindi ba?
Oras at tadhana'y nadamay pa dito.
Nagmukha silang maramot pero ang totoo,
Ikaw at ako ang hindi tumaya sa tayo—
Umasang kaya na ng oras at tadhana ito.

At bago magpaalam sa nadarama,
Nais ko lang malaman mong gusto nga kita!
Gusto kita dahil mabuti kang tao,
Handang makinig sa mga problema ko;
Dahil sa iyong mga payo
At lohikang may punto at puso;
Dahil pinapatawa mo ako;
Dahil mas gusto mong tumawag kaysa magtext,
At dahil pinaramdam mong espesyal ako.

Gusto kita kahit na kung saan-saan tayo pumunta
Pero 'di malinaw kung saan tayo papunta;
Kahit na ang dami mong ipinadama
Pero kulang na kulang ka sa pag-eksplika.

Gusto kita pero matatapos na ang tula.
Mauubos na rin itong tinta.
Inuulit ko, gusto kita
Pero 'di ko na mahihintay pa
Na marinig rin mula sa'yo ang "Gusto rin kita."

your REACTION
HEART

1

BOO

0

CUTE

0

EWW

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Take advantage of the cooler weather in the metro!
 
x
Share
Here's why you shouldn't feel insecure when you're the last to stay single.
 
x
Share
Plus his brand new music video for his latest single, "Too Much To Ask."
 
x
Share
These ponytails may be ~extra~, but can totes be copped at home!
 
x
Share
If you are going through something, get your hugot feels from Moira's emotion-filled songs.
 
x
Share
 
x
Share
Today, we live in a world where barely any second consideration will be granted to us.
 
x
Share
 
x
Share
I stayed for you. Why weren't you able to stay for me, too?
LOAD MORE ARTICLES