Candy Feels
Candy Reader Poetry: Bakit Nagkaroon ng Tayo?
Para sa taong piniling sumuko.
PHOTO Universal Pictures ART Naomi Torrecampo

Naririto ako sa kalagitnaan ng siyudad na puno ng ningning
Kung saan libu-libong tao ang nahihimbing
Habang ako'y dilat at gunita'y gising.

Nasaan ka?
Ako kaya'y nasasagi pa sa iyong diwa?
Marahil ay hindi na.

Naaalala ko pa ang mga yapak mo
No'ng gabing umalis ka at 'di alam saan tutungo.
Pinili mong sukuan ang problema't maglaho.

Naiwan akong pinanghahawakan ang alaala mo
Na sa aking puso ay mariing tumimo.
Pinilit na ika'y kalimutan
Ngunit isip ay tinakasan na ng katwiran.

Naririto ako sa kalagitnaan ng siyudad na puno ng ingay.
Katahimikan sa aking isip ay nakakalito.
Walang sagot kung bakit mas pinili mong maglaho.

Kaya siguro narito pa rin ako
Dahil walang sagot sa mga katanungan ko.
Bakit nagkaroon ng tayo
Kung mga landas nati'y hindi iisa ang tungo?

Isip ay lito kung bakit pa pinagtagpo.
Bakit nagkaroon ng tayo
Kung sa huli ay magkakaroon ng kanya-kanyang mundo?

Napakapilosopo ng tadhana.
Tinuro n'yang makapiling at mahagkan ka
Ngunit sa huli ang tayo ay magiging ako nalang pala.

Gayunpaman umaasa pa rin ako
Na ang sagot sa kung bakit nagkaroon ng tayo
Ay dahil sa bandang huli talagang mayroong tayo.

your REACTION
HEART

22

CUTE

6

BOO

1

EWW

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
These ponytails may be ~extra~, but can totes be copped at home!
 
x
Share
If you are going through something, get your hugot feels from Moira's emotion-filled songs.
 
x
Share
 
x
Share
Today, we live in a world where barely any second consideration will be granted to us.
 
x
Share
 
x
Share
I stayed for you. Why weren't you able to stay for me, too?
 
x
Share
Here's a short list of places you can go to when you need to get away from everything.
 
x
Share
 
x
Share
This is the other side of relationships that you don't see on screens.
LOAD MORE ARTICLES