Candy Feels
Candy Reader Poetry: Akala Ko Lang Pala ang Lahat
Akala natin, sapat na 'yung mahal kita.
PHOTO Star Cinema

Akala ko noon, kapag minahal kita, mamahalin mo rin ako
Akala ko noon, dahil mahal kita, sapat na
Akala ko noon, dahil binigay ko ang lahat, magiging masaya ka sa'king piling
Pero hindi ko naisip na kaya pala gano'n, kasi akala mo matututunan mo rin akong mahalin

Akala mo, dahil mahal kita, mamahalin mo rin ako
Akala mo, kapag binigay ko ang lahat, magiging masaya ka
Akala mo, magiging sapat na 'ko bilang kapalit n'ya
Akala natin, magiging sapat na 'yung mahal kita.

Akala ko pa noon, masaya na tayo
Akala ko, magiging masaya na ako dahil ika'y akin na
Dahil sa wakas sa'kin ka na, ako na ang nakikita mo
Nakuha ko na ang atensyon mo
Dahil sa wakas natupad na 'yung matagal kong hiling, ikaw

Hindi ko naisip na ako lang pala ang tunay na masaya
Hindi ko naisip na ako lang pala ang nagmamahal
Hindi ko naisip na nagiging makasarili na ako
Hindi ko naisip na pinipilit mo lang pala ang sarili mong maging masaya sa piling ko

Kasi akala ko okey ang lahat
Kasi akala ko pareho tayo ng nararamdaman
Pero lahat pala ng ito'y akala lang nating pareho
Dahil minsan hindi sapat ang mahal lang kita
Dahil ang relasyon ay pangdalawahan,
Pilay pag wala ang isang paa, pag wala ang isang kamay.

Masyado akong naging masaya, naging makasarili
Gano'n siguro talaga pag namamahal,
Hindi ko namalayang naging makasarili na pala ako
Hindi ko namalayang nasasaktan na pala kita
Hindi ko namalayang hindi ka na pala masaya

your REACTION
OMG

72

HEART

19

YAY

7

BOO

3

CUTE

1

EWW

1

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
This is the family-friendly TV show you can watch this long weekend.
 
x
Share
From casual to feminine, we've got you covered!
 
x
Share
Plus, millennial pink places, how Bench, Penshoppe, and other brands got their names, places you can go to this long weekend, and more stories from our sister sites this week!
 
x
Share
 
x
Share
 
x
Share
Always consider the consequences before publishing that post.
LOAD MORE ARTICLES