Candy Feels
Candy Reader Poetry: Akala Ko, Ako Na ang Tuldok Mo
Akala ko, ako na ang magiging dulo.
PHOTO Star Cinema

Akala ko ako na ang tuldok
Na magiging dulo
Ng kwento mo,
Ng kwento natin,
Ng kwentong "tayo."

Akala ko ako na ang tuldok.
Alam kong hindi ako ang una.
Dahil tulad ng mga pangungusap
Na hindi nag-uumpisa sa isang tuldok,
Hindi rin naman ako ang unang nanirahan sa puso mo.

Akala ko ako na ang tuldok.
Dahil sabi mo sa akin,
Hindi man ako ang una mo,
Hindi man ako ang unang nakulong sa mga bisig mo,
Hindi man ako ang unang nakarinig ng "mahal kita" na namutawi mula sa mga labi mo,
Hindi man ako ang unang naging laman ng mga panaginip at pangarap mo,
Ako naman ang mamahalin mo hanggang sa huli.

Akala ko ako na ang tuldok.
Akala ko ako na makakasama mo hanggang sa huli.
Akala ko sa akin na magtatapos ang pangungusap, pangarap, pag-ibig.

Akala ko ako na ang tuldok
Pero sa akin lang pala nagsimula ang bagong pangungusap mo.
Akala ko ako na ang tuldok
Pero may bago palang kabanata na hindi na ako ang kasama mo.

your REACTION
HEART

46

CUTE

3

OMG

3

EWW

2

BOO

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
 
x
Share
Skip a makeup step with these beauty goodies!
 
x
Share
Take pretty notes and study effectively with these tips!
 
x
Share
Wait for a love like this. A love that is good to you, for you.
 
x
Share
But I want you to know that I tried my best.
 
x
Share
The up-and-coming musicians and childhood friends talk about their music, creative process, and why it's important to be woke.
 
x
Share
Because when it comes to a great lip game, there's really no need to splurge!
 
x
Share
A different language sheds new light on everyday terms.
 
x
Share
Take advantage of the cooler weather in the metro!
LOAD MORE ARTICLES