blog
Changing Perspectives
by: ohjames
Life is too short to wear a bad outfit!
Latest Blog Post from Changing Perspectives
PARA KAY B: o kung paano dinevastate ng pag-ibig and 4 out of 5 sa atin
naniniwala ka bang may quota ang Pag-Ibig? Alam mo ba kung saan matatagpuan ang Maldiaga? Ano ba ang ibig sabihin ng conjure? Nakarinig ka na ba ng kanta tungkol sa pagpapatayo ng building? Isa ka bang Capital S? Sino ba si B? Ang librong ito ang magpapa-tumbling sa buhay ninyo. Napakahusay. Nakakatawa. Napakatotoo. Napaka-imaginative. Umiikot sa kwento ng limang babae at sa isang manunulat na naniniwala sa kanyang teorya ukol sa pag-ibig: na apat sa bawat limang tao ang di magtatagumpay sa pag-ibig---maiiwanan, mang-iiwan, maloloka, malulungkot, masasawi. Iinog ang mga kwento sa mga masasalimuot, nakaka-tawa, malalaswa, nakaka-iyak at makukulay na mga eksena. Hahabihin ng imahinasyon ang limang istorya at lililukin ng mga aral na natutunan, mga sugat na natamo at mga kaligayahang natamasa ang isang kabuuan ng mga kwento ng buhay nilang lahat. Sa bawat karakter na makikilala, ay masasalamin mo ang katotohanan sa buhay. Nakakatuwa dahil habang binabasa ang libro, ay ...


Comments
May 31, 2008 at 6:41 pm
May 31, 2008 at 9:51 pm