CandyMag.com
Log In:
   

Forgot password? | Not a Member? Register!

BLOG

cafelisse
by: cafelisse

a blog about my everyday life, my personal life. this blog is very personalized. It contains the things that happened to me and some good pictures, captured moments of my life.. It also contains random thoughts, and anything else. :]

go to site

Latest Blog Post from cafelisse

bayani nga ba si Rizal? [subscribe to feed]

Rizal Rizal Rizal, puro na lang Rizal.Pero bayani nga ba si Rizal?Ako ay isang ordinaryong bata, estudyante. Pinag-aaralan ko pa lamang si Rizal. Malamang ay kulang kulang pa ang kaalaman ko sa kanya. Maaaring mali-mali man ang Tagalog o grammar ko, hindi iyon dahilan upang baliwalain nyo ang laman ng utak ko.Taon-taon nating ipinagdiriwang ang kaarawan ni Rizal, ang Independence day, lahat lahat pa para kay Rizal. Siya ang ating pambansang bayani, ang kanyang mga akda ay ating pinag-aaralan sa eskuwelahan. Ngunit, pambansang bayani nga ba si Rizal? Karapat-dapat ba talaga siyang maging pambansang bayani?Una, ang mga Amerikano ang pumili kay Rizal upang maging pambansang bayani. Eh, ano ba ang motibo ng mga Amerikano sa Pilipinas? Diba upang sakupin tayo? Hindi ba parang ginamit lang ng mga Amerikano si Rizal upang iwasan ang rebolusyon??Ang mga akda ni Rizal. Ang mga akda raw niya ay napaka-makata... Eh paano kung wala lang talaga siyang magawa at mahilig lang siyang magsulat?? Nagkataon lang na may koneksyon iyon sa ating bansa? Parang yung mga gumagawa ng mga quotes. Ang iniisip lang naman natin pag tayo'y gumagawa ay ang sarili natin... tapos biglang may magsasabing.. "Ay ang galing, makata, ang ganda ng ibig sabihin!"... paano kung parang ganun lang? Sadya lang malikhain si Rizal? o kaya'y "love story" lang niya yun??Ang mga akda ba niya talaga ang naka-impluwensya sa mga Pilipino upang lumaban? Hindi ba may Katipunan na at may lumalaban na bago pa mabasa ni Bonifacio at Mabini ang Noli Me Tangere???Tsaka.. tayo ngang mga highschool students ay medyo nahirapan na sa pag-intindi sa mga akda niya.. Eh paano ang mga Pilipino noon na halos wala namang pagkakataon upang mag-aral.. lalo na ng Espanyol.. paano nila mababasa??Ang pagsali sa La Solidaridad. Hindi ba iyon ay interes lamang ng kanilang uri, ng mga illustrados? Gusto nila maging probinsya ng Spain upang maging kapantay nila ang mga Espanyol. Hindi ba iyon para sila'y umangat??Ang pagtuturo niya at pagtulong sa Dapitan.. Eh hindi ba siya pinatapon doon? Eh syempre kung wala kang magawa, edi tutulong ka na rin. Sabihin mo mang effort -- walang wala yan kay Bonifacio.Ang kanyang katalinuhan. Porket ba matalino o "genius" ay hero na? Eh si Einstein, hero ba?? Tsaka wala lang kasing pagkakataon sina Bonifacio mag-aral.. Ngunit si Rizal... nasa kanya ang yaman..Ang pagharap sa baril ng siya'y pinatay ng firing squad. Hindi ba pride ang tawag doon?? Ayaw mong matawag na taksil.. O kaya naman.. porket ba binaril ng firing squad hero na? Papabaril din ako, hero na ba ako??Para sa akin, walang-wala si Rizal sa kabayanihan ni Bonifacio... at sa lahat ng Katipunero.. Hindi mo kasi masasabing selfish si Bonifacio, siya ay nagbuwis ng buhay para sa bayan.. (Kaso may nagtaksil sa kanya.. sayang).. Matatawag mo bang selfish yun?? Ang mga motibo ni Bonifacio ay para sa bayan.. Lugi lang si Bonifacio kasi si Rizal ay may pera at pagkakataon kaya'y siya'y nakasulat ng kung ano-anong akda. Pero diba mas inisip ni Rizal ang sarili o ang mga middle class?? Pano na ang mga ordinaryong Pilipino?Ano ang mga nakasulat sa libro? Bakit, hindi lahat ng nakasulat ay totoo at tama. Marahil marami nang "bias" ng mga historians at writers doon. Siyempre kailangang kaakit-akit ang nakasulat. At sino ba namang babatikos kay Rizal, eh dapat good image sya?Hindi porket si Rizal ay "national hero" ayon sa mga Amerikano at mga libro, eh, tama na talaga yun. Porket bang sabihin nilang "Bobo ang mga Pilipino", totoo na ito?Hindi lahat ng impormasyon, nababasa at naririnig natin ay nararapat paniwalaan o kaya'y parang "oo na lang". Nararapat nating suriin ito, alamin kung ano ba talaga.Kayo na ang bahalang humusga sa aking opinyon. Opinyon ko lamang ito. Ipinapakita ko lamang ang mga ibang posibilidad o ang aking pananaw.. Sana ay isipin nyo kahit sandali lamang.. Haha.Maraming salamat sa pagbabasa. :]Elise Rollon.9-Gold. :]

BlogViews

pink_lemonade17, m a r l a, glamour gurl, miss_jesselle, zandy, cutie_les, princess_candydiva

Comments

1. says:

May 15, 2008 at 12:55 am
2. says:

May 15, 2008 at 11:27 am
3. cherub_trish says:
Hi! i sa ur site.. i rate ur blog.. oh.. check my blog too.. title:"A walk to remember.."
May 15, 2008 at 8:31 pm
4. cAmzhiie says:
nice blog!done rating you!pleease vote for me too! http://www.candymag.com/blogawards/blog/livin-my-life
May 20, 2008 at 6:34 pm
 

Blog Talk

Re: 2008 Teen Blog Awards
itscat
Ooh!  It's been ages since I've visited this thread.  Tapos na pala voting for the finals.Good luck to all the finalists, especi...
Today at 07:01:41 PM

Re: 2008 Teen Blog Awards
sassychique
Quote from: mimai-yang on July 04, 2008, 01:07:49 PMisa ka po dun sa tatlo na yun. hehe. gusto ko kasi talaga yung blog design m...
July 04, 2008, 02:11:23 PM

Re: 2008 Teen Blog Awards
mimai-yang
Quote from: sassychique on July 04, 2008, 12:53:25 PMang swerte naman nung tatlo na yun isa ka po dun sa tatlo na yun. hehe. gus...
July 04, 2008, 01:07:49 PM

Re: 2008 Teen Blog Awards
sassychique
Quote from: mimai-yang on July 04, 2008, 11:30:20 AMgood luck to everyone!sino kayang mananalo?exciti ng ito..hehe.. tatlo lang ...
July 04, 2008, 12:53:25 PM

Go to teentalk